"As a runner myself, I find the track-and-field sports cinematic, in the sense na it's very big in terms of landscape. Not just on the physical side ng isang tao. It's also about the mental, emotional, spiritual side of the person," says director Paul Soriano about his second feature film, Thelma. Playing the title character is Maja Salvador (left) while champion runner Elma Muros (middle) will have a guest role.

Photo: Courtesy of Paul Soriano

Last year ay ipinalabas ang first directorial film ni Paul Soriano,  A Journey Home. Tinampukan ito ng mahusay na character actor na si Soliman Cruz sa pangunahing character, Joem Bascon, John Manalo, at ang real-life girlfriend ng direktor na si Toni Gonzaga.

Dahil sa positive feedback na nakuha ni Direk Paul bilang isang filmmaker, muli siyang na-inspire magdirek ng pelikula. Ayon sa direktor, long-time dream na niya ito, mula pa noong umuwi siya sa Pilipinas noong 2005.

Ito ay pagkatapos niyang mag-aral ng kolehiyo sa Santa Clara University sa Los Angeles, California, at magtrabaho doon ng iba't ibang "odd jobs."

Pero dahil nasa dugo na rin ni Paul ang showbiz—lolo nito ang yumaong aktor na si Nestor de Villa, at ama naman nito si Direk Jeric Soriano (nagdirek ng pelikulang Hotshots noong 1984)—pinangarap din ni Direk Paul na maging full-fledged filmmaker balang araw.

THELMA. Hanggang sa ngayong 2010, dumating na ang panahon ni Direk Paul na magawa ang isang matagal na niyang materyal pampelikula. Ang Thelma ay tungkol sa track and field, kunsaan gumaganap bilang bida si Maja Salvador sa role na isang runner.

Produced, co-written, and directed by Direk Paul, ang Thelma ay handog ng kanyang Abracadabra Productions, co-produced with TimeHorizon Pictures.

Kasama sa cast sina Tetchie Agbayani, John Arcilla, Eliza Pineda, at ang tinaguriang Sprint Queen na si Elma Muros in a special appearance.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Paul kamakailan, naikuwento nitong isang taon na siyang nagre-research tungkol sa sport na track and field. Para nga gumawa ng movie tungkol dito, bukod pa sa pagiging athletic niya.

"Thelma is inspired by a research of mine about running that I've been doing for one year na," simulang kuwento niya. "As a runner myself, I find the track-and-field sports cinematic, in the sense na it's very big in terms of landscape.

"Not just on the physical side ng isang tao. It's also about the mental, emotional, spiritual side of the person. 

"I really wanted to do a sports film since I'm athletic nga. Kaya ayun, nabuo ang story concept ko na ito, an original story. 

"But of course, it became bigger. Lumaki na siya. Lumawak ang kuwento, kaya ang story credits goes to me, Rino Que, and Froilan Medina."

Si Rino Que ay isa sa executive producers ng pelikula, with Samantha Chavez Que, at si Medina naman ay katuwang ni Direk Paul bilang screenwriter.

Feeling ni Direk Paul, perfect timing ang Thelma movie niya sa panahong sikat na sikat ang sports na pagtakbo sa bansa. Nagsulputan nga naman ngayon ang kaliwa't kanang "fun runs," na maging celebrities ay nakikilahok at nagiging form ito ng physical exercise.