Hindi pa man natatapos ang 2010 ay tatlong major awards na ang napanalunan ng all-female singing trio na La Diva: People's Choice for Favorite Group Recording Artist sa 22nd Awit Awards; Best Artist of the Year (Group Category) sa 2nd PMPC Star Awards for Music; at Best Performance in a Concert (Group Category) sa 23rd Aliw Awards.
Bukod pa rito ang ibang awards na napanalunan ng kanilang Music Museum concerts.
Patunay na kinikilala na ng iba't-ibang award-giving bodies ang husay ng tatlong young singers bilang isang singing group.
Ang La Diva ay binubuo nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia.
Lahat sila ay produkto ng singing search ng GMA-7 na Pinoy Pop Superstar, with Asia's Songbird Regine Velasquez as host.
Si Jonalyn ay grand winner ng Season 1, si Maricris ay grand winner ng Season 3, at si Aicelle ay runner-up kay Gerald Santos ng Season 2.
Kahapon, October 26, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang La Diva sa pocket interview na ipinatawag ng GMA Artist Center para sa kanilang sunud-sunod na awards. Ginanap ang presscon sa Don Esteban Lucban restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Ayon kay Maricris, "Inspired po kaming tatlo sa mga awards na natanggap namin, para lalong paghusayin ang pagkanta namin. Overwhelming po ang feeling namin dahil hindi naman kami nag-expect na mananalo."
Sabi nga ng tatlong young singers, noong Star Awards for Music hindi nila alam na nanalo sila bilang Best Group of the Year. Nasa dressing room daw kasi sila at nagkukuwentuhan nang marinig nilang tinatawag ang "La Diva."
Patakbo silang umakyat ng stage para tanggapin ang kanilang award. Hindi rin daw sila prepared sa sasabihin, pero masayang-masaya raw silang nagpasalamat.
Dahil tanggap nilang iba-iba ang personalities nilang tatlo, maging sila raw ay nagtataka kung paano sila nagkakasundo at hindi nag-away sa loob nang halos dalawang taong magkakasama sila.
Sabi ni Aicelle, "Hindi rin po namin in-expect na magugustuhan kami ng mga tao nang magsimula kaming bigyan ng segment sa SOP noon. Nanibago po siguro sila sa blending, yung blending ng boses namin, kaya hindi na kami nawala hanggang ngayon, sa Party Pilipinas."
CHANGES. Si Jonalyn ang may pinakamataas na boses sa grupo. Wala ba siyang balak mag-solo?
"Hindi rin po ako makapaniwala na ganoon ang timbre ng boses ko," paunang sagot ni Jonalyn. "Pero nakaka-inspire po ang papuri nila sa akin para lalo kong pagbutihan ang pagkanta."
Ngunit wala raw sa kaniyang plano ang maging solo artist. Paliwanag niya, "Wala po akong balak mag-solo dahil ang packaging nga sa amin ng GMA Artist Center, vocal trio kami. Pero puwede po naman kaming tumanggap ng solo projects, yung maliliit lang na hindi makakaapekto sa grupo."






habang tumatagal lalo silang gumagaling. walang masyadong effort bumirit lalo n c Jonalyn, Soprano 1 yata boses nito
nag-improve n rin ung way ng pagdala nila ng damit nila,, or was it bcoz pinalitan nila ung wardrobe assistant nila or stylist?
anyway Goodluck to La Diva,, more awards to come and stay humble.
mozart2010
October 28, 2010
23:57 PM
yes la diva is RP's version of destiny's child..
-yeah, they got that thang like Destiny's Child but i think they sound more like En Vogue haha
kapusongbaliw
Anyway, ang argument naman talaga is nag start nong nag comment si napazu7 ng ganito:
'kailan naman naging plural ang divas sa salitang espanish? La Diva is an Espanish words....
and then she/he told us to use our common sense
-----
so as you can see hindi lang sya nang insulto, maling mali pa sya...in the end it wasn't about la diva anymore but naging issue na about the grammar
So ikaw, may point ka and I respect that dahil if Il Divo got away with it, then La diva can too. But to say walang plural ang diva sa salitang spanish is wrong. Thanks Mods, please don't delete this
kapusongbaliw
Secondly, re La Diva...may punto ka naman at tama naman yung sinabi nong isang ka pep na pwedeng singular pa rin dahil collectively they represent a group. I think the way catalina said it, she was being playful, pang ookray lang kaya sinakyan ko rin kase pang katuwaan lang, she never meant it to be nasty. And I am a fan of La Diva myself.
If you presented the argument like the way you did, na bakit Il Divo marami sila din naman plural without being nasty about it, I can honestly say, ahhh oo nga ano may punto ka dian [although having said, there is a reason bakit Il Divo ang name, matandaan ko pa ng ilaunch sila ni Simon Cowell dito sa UK. The whole point was to find one male 'El Divo' operatic singer from Spain, France, England, Italy and pagsamasamahin silang lahat sa isang grupo, but that's another story]...cont.
kapusongbaliw
nabasa ko ang post mo kanina bago pa binura ni mod kaso antok na talaga ako di na ako makareply...on catalina's defense, wala actually tayong powers as pepsters na magpabura ng comments. What we can do is report a user pero nasa MODS pa rin ang desisyon. But most of the time, kahit walang sumbong pag may nabasa ang Moderators na maaring pag ugatan ng awayan, sila na mismo ang nag dedecide na burahin ito
Eh sa hindi ko maalala dahil hindi naman sikat dito sa US, kaya nga na cancel show sa Las Vegas Hilton. Eh bakit sina Lani, Ciarra, Sarah, Martin naalala ko, kasi sikat, except for Ciarra. Hwag kang HB. Lahat na lang ng comments na hindi pabor sa La Diva kinokontra mo. Iba-iba ang taste ng tao at saka TFC subscriber ako kaya di ko sila kilala. About Deramas and Sucalcdito's fight why would I waste my money on Pay Per View at saka di naman siguro televised noh. Relax ka lang, whoever pays you for posting here, baka kulang pambayad sa hypertension.
It must be noted that ASAP viewers prefer showmanship+good looks+production numbers and production materials. On the other hand, PP is somewhat focused on SHEER TALENTS.
Good luck girls. Your voices alone are really ENTERTAINING n_n