Jennica Garcia defends boyfriend Alwyn Uytingco over "bad influence" tag

Rose Garcia
Thursday, October 28, 2010 @ 09:03AM  |  89 views

 

"Naaawa ako sa kanya kasi nababansagan siya ng mga ganoon—'bad influence' dahil maraming tattoo. Puwede ba, huwag na lang nating anuhin? [Porke] ang daming tattoo, mukhang bad boy, so, ang tingin nila, masama yung tao. Puwede ba, minsan nga, walang tattoo, pero grabe ang ugali!" says Jennica Garcia about boyfriend Alwyn Uytingco.

Photo By: Paul Mata













Marami ang nalilito kung sino nga ba ang boyfriend ngayon ni Jennica Garcia: kung ang Kapamilya talent na si Alwyn Uytingco o ang ka-love team ng young actress at kapwa Kapuso na si Carl Guevara.

Sa pagkakaalam kasi namin ay si Alwyn talaga ang boyfriend ni Jennica, pero madalas din kasing makita ang young actress kasama si Carl.

Paliwanag ni Jennica, "Hindi, kasi si Alwyn, kasama ko siyang madalas. Si Carl naman, kapag natetengga kami sa taping, kunwari mga ilang hours din yun, minsan pupunta kaming Summit Ridge sa Tagaytay. Kain-kain lang. Meron kasi do'n na parang Time Zone, kain-kain kami."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennica sa launching nila ni Empress Schuck bilang endorsers ng bagong make-up line ng Natasha, ang Sketches, kahapon, October 26, sa Sulo Hotel sa Quezon City.

Kung nagkataon kayang wala si Alwyn sa buhay niya ay posibleng sila ni Carl ang nagkatuluyan?

"Hindi ko po alam...hindi ko po alam," sagot ni Jennica. "Yung samahan namin ngayon ni Carl, e, okay naman. At saka mahal ko yun. Mahal ko siya bilang kaibigan.

"With Mart [Escudero] noon, boyfriend ko siya noong love team ko siya. So, given na malambing siya sa akin. Bibigyan niya ako ng upuan, bibigyan niya ako ng pagkain, aalalayan niya ako.

"Pero yung kay Carl kasi, hindi ko siya boyfriend. Pero ibang klase siyang mag-alaga."

Anong klaseng pag-aalaga ang ginagawa sa kanya ni Carl?

"Halimbawa, biglang umambon, tapos meron siyang bimpo, sa halip na gamitin niya, sa akin pa niya ibibigay. Gentleman, sobra!

"Tapos, upuan... Kapag mainit sa tent, walang aircon, papaypayan pa niya ako. Sobra lang....ang bait niya! Na alam ko, kahit hindi na kami love team, lalabas pa rin kami."

Hindi ba nagseselos si Alwyn kay Carl?

"Hindi... Hindi naman siya nagseselos. Ano ka ba?" natatawang sabi ng 20-year-old actress.

BAD INFLUENCE? Naging isyu noon na "bad influence" daw kay Jennica si Alwyn. Pero ngayon, nakikita namang aktibo at hindi nagpapabaya sa mga trabaho niya ang young actress.

Ani Jennica, "Madalas kong kasama si Alwyn. Siguro kung bad influence siya sa akin, lalabas yun sa mukha ko. E, masayang-masaya naman ako ngayon. 

1  2  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name