Indie film actor Rocky Salumbides confirms he has nude photos on the Internet; says he posed naked in 2004 for a good cause

William Reyes
Friday, October 29, 2010 @ 07:26PM  |  206 views

 

Indie film actor Rocky Salumbides, who is now part of ABS-CBN's teleserye Imortal, confirms he has nude photos circulating on the Internet. But he says the nude photos were from an exhibit he did back in 2004 for a Hong Kong-based photographer who was raising funds for tsunami victims.

Photo By: Noel B. Orsal













Matapos magmarka sa dalawang gay-themed indie movies—ang Muli ni Adolf Alix Jr., at ang soon-to-be shown commercially na Tarima ni Neal Tan—abala naman ngayon si Rocky Salumbides sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN.

"Isa po ako sa mga bampira," banggit ni Rocky sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ang nasabing teleserye, kung saan madalas niyang kaeksena ang baguhan ding aktres na si Maricar Reyes, ang halos pumupuno ng schedule ni Rocky sa buong isang linggo. 

Mahigpit daw ang network sa work schedules, ayon pa sa actor-boyfriend ni Eula Valdez.

"Sobrang higpit po," sabi pa ni Rocky. "Alam mo naman sa ABS kung gaano sila kapulidong magtrabaho, di ba, kung gaano katagal yung taping?

"Minsan, kinabukasan na natatapos. E, bago lang ako sa ganyang trabaho. So, sinasanay ko talaga yung sarili ko sa puyat. Kinabukasan, konting tulog lang, bangon agad."

M-W-F (Mondays, Wednesdays, Fridays) ang taping schedules ni Rocky sa Imortal.

"Minsan, inaabot nang kinabukasan," pagtukoy pa niya. "So, yung tulog mo... at paggising mo, kinabukasan, call time na! Bampira ako dito. Yung ngipin ko, tumutulis! Sana matuwa rin sila, pag napanood nila yung mga eksena namin," pag-asam pa ni Rocky.

ON SEXY ROLES FOR MOVIES. Bilang isang sexy actor naipakilala si Rocky nitong taong ito.

Sa Muli ay mayroon siyang dalawang sexy exposures: isang bed scene with Sid, Lucero bilang gay lover; at isang shower scene, na kita ang buttocks ni Rocky.

Sa Tarima ay higit pa ang kanyang sexy exposures: isang shower scene na kitang muli ang kanyang buttocks; at isang mahabang love scene sa "tarima," na hubo't hubad silang pareho ni Fanny Serrano.

Ang tarima ay ang higaan, o silid, na gamit sa pagtatalik tuwing may conjugal visit sa loob ng isang city jail.

"Depende naman sa ikot ng istorya ng pelikula," katuwiran ni Rocky tungkol sa kanyang paghuhubad. "Meron namang iba, na kahit hindi ka naghubad e malaswa tingnan, dahil malaswa yung istorya. Yung gustong ipahiwatig."

Sabi ni Rocky tungkol sa Tarima, "Dito, nung ni-review namin yung script, saka nung nag-meeting kami nina Direk, kinausap naman nila ako kung paanong atake ang dapat na gawin. So, yun yung pinaghandaan namin talaga."

1  2  3  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name