Nagkaayos na sina Annabelle Rama at ang alaga niyang si Miriam Quimbao.
Nagalit ang mommy ni Ruffa Gutierrez sa dating beauty queen dahil ang aga-aga raw siya nitong tini-text para lang magtanong kung ano ang plano niya sa career nito. (CLICK HERE to read related article)
Katibayan na okay na sila ay nung magpunta si Miriam sa birthday party ni Annabelle kagabi, October 28, na ginanap sa Crowne Plaza, Ortigas in Mandaluyong City.
Paano ba sila nagkaayos ng kanyang manager?
"Nung Tuesday galing ako sa presscon ng Layang Bilanggo. [Ito ang kanyang indie film na in competition para sa 6th Cinema One Originals digital film festival]. Nakatanggap ako ng call mula kay Jimmy, yung isa sa mga PAs ni Tita Annabelle.
"Sabi niya 'Pina-followup ka na ni Tita Annabelle. Nasaan ka na raw. Kasi may rehearsal ka pa para sa song number mo sa birthday niya.' Sabi ko, 'Ay, oo nga. Pagkatapos ng presscon susunod ako diyan.'"
Patuloy pa ni Miriam, "Pagdating ko sa studio, nandun siya. Nag-usap kami. Okay na.
"Of course, I think what happened was so petty na hindi na kailangang palakihin pa. So, lahat naman naayos sa magandang usapan at saka sa pagkakaintidihan. So, feeling ko yun lang ang naging solusyon."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Miriam sa birthday party din ni Tita Annabelle.
Nasaktan ba siya sa ginawa ni Annabelle na naglabas ng galit nito sa kanya sa Tweetbiz?
"Na-sad lang ako na kailangang ilabas. Nagulat lang ako na nangyayari yun. Ahh... siyempre kung humihingi ka naman ng meeting, ba't kailangang i-announce mo sa lahat, di ba?
"Parang hindi ko lang in-expect na such a thing will irritate her. Pero ngayon naiintindihan ko na. Lessons learned. Next time kailangan may 'Good Morning' at huwag masyadong maaga [mag-text]."
Kaya ba niya gustong makipag-meeting kay Annabelle ay dahil na-alarma siya o napi-feel niya na parang walang nangyayari sa kanyang career?
"Ahh... hindi naman," tanggi ni Miriam.
"Actually meron kasi akong mga ideas where I want to take my career. And since she's my manager, I want to know what her ideas are as well. So, kung bumabagay yun sa mga ideas ko, maige. Pero kung iba naman ang ideas niya, baka maaaring mag-suggest din ako para we can [have a compromise], di ba?"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
36 pusotisipmo
35 pusotisipmo
34 rosazona
33 rosazona
32 timito
31 gareen
30 mai_chan
29 StocksAndBonds
28 totoysipa
You could have done better dahil major beauty title holder at runner-up sa Miss Universe ka pa naman.
Yes, abide by the contract and move UP next time. Nawawala ang prestige and class mo dahil kahilera mo lang ang mga trying-ard 'talents' kuno ng walang-edukasyong si Annabelle.
27 crazybru
26 chijane_2010
25 pretty_18
24 maeve27
23 balugababe
well guess what, I read from PSN na di na tuloy ang dwarfina at next year ito ilalabas [kung ilalabas pa].
lakas talaga ng impluwensya ni bisaya, nakakalungkot talaga yang ganyang pangyayari sa showbiz.
22 Buenchange
21 akoCdamulag
dami ba pasaway na comments? di mo sila masisisi, obvious na marami galit kay lola anabel heheheheh
20 skyward
19 maryclaire
18 bruceleeako
17 balugababe
ericjohnsalut
Nakakaloka ang mga manager na mismong sila pa ang nagba-badmouth/naninira sa kanilang alaga! The height ng kakapalan ng mukha!
-----------
need I say more? hahaha
more comments