"Opinyon ko lang naman yun. Baka yung iba naman, nagandahan, pero ako, yun lang naman ang sinabi ko. Parang kulang sa anghang," says Vivian Velez about Marian Rivera's acting in the TV remake of  the 1980's movie, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, which starred Vivian.

Photo: Noel B. Orsal

Matapos ang matagal na panahon ng pamamahinga mula sa show business, ngayon ay regular nang napapanood sa Imortal ang tinagurian noong 1970s na "Ms. Body Beautiful"—si Vivian Velez.

Maaaring hindi na maalala ng mga batang movie fans ngayon, ngunit si Vivian ay nagsimula bilang hot at sexy starlet noong bandang 1978.

Mas pinag-uusapan noon ang kanyang love life sa ka-live in na si Rudy Fariñas, na ngayon ay representative ng First District ng Ilocos  Norte, kaysa sa kanyang pagganap sa pelikula. At noon ay hinandugan pa si VV, na naging tawag din kay Vivian, ng kanta ni Rico J. Puno, na pinamagatang "Kartada 10," dahil nga sa ganda ng katawan ng aktres.

Sa pagdaan ng mga taon, nahasa na si Vivian sa pagganap. Noong 1984 ay nagkamit na rin ito ng best actress award mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) para sa Pieta (1983 release) at noong 1986 ay isa pang best actress award mula naman sa FAMAS para sa Paradise Inn (1985 release).

Sa kanyang pagbabalik, makikita sa Imortal si Vivian sa papel na Lucille Zaragosa, ang pinakamalakas at mahigpit na pinuno ng mga taong lobo, o tinatawag na Waya.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vivian sa thanksgiving/halloween party ng Imortal sa Fuel Up bar ni Angel Locsin noong Oktubre 24, sinabi nitong matagal na niyang gustong makasama si Angel sa isang proyekto.

Kaya nga raw laking-pasasalamat niya nang mapasama siya sa cast ng Imortal, na pinagbibidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa unang tambalan ng dalawang batang artista.

ON MARIAN RIVERA. Hindi naman nagustuhan ng mga tagahanga ng Kapuso star na si Marian Rivera ang naging pahayag ni Vivian kamakailan.

Lalo na nga't ang itinatapat pa rin ng fans kay Marian ay is Angel at vice versa. (CLICK HERE to read related article)

Sabi kasi ni Vivian, disappointed siya sa naging acting ni Marian sa GMA-7 remake ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ang 1980's movie na pinagbidahan ni Vivian.

Ito nga ang naging kasunod na topic ng PEP kay Vivian nang gabing iyon sa Fuel Up.

"Alam ko, naging issue nga 'yan. Ang daming nagagalit sa akin na Marian fans because of my opinion," saad ni Vivian.

"Alam mo kasi, nag-filmmaking din kasi ako. Nag-aral din ako ng filmmaking for two years. Nakalimutan ko na nasa showbiz pa pala ako.

"Kailangan maging plastic ako. Hindi tamang magbigay ng tamang opinion. Nagkamali ako dun," pauna ni Vivian.