"Nag-trigger lang naman 'to after kong gumawa ng movie.  Siguro sa sobrang pagod na rin, sa stress, kawalan na rin ng tulog.  Ang dami ko na rin ginagawa. So, medyo hindi na rin kinaya ng katawan ko, so, doon bumalik.  Kasi, bata pa lang talaga 'ko, meron na akong heart problem. Pero ngayon lang siya ulit na-trigger. Parang may nag-trigger para bumalik ulit," said Jennylyn Mercado about her heart condition.

Photo: Noel Orsal

Last Thursday, October 28, isinugod sa hospital si Jennylyn Mercado nang hinimatay siya at nanigas habang nagda-dub ng kanyang pelikulang Rosario.

Kinuwento ni Jennylyn ang nangyari nang mainterview siya para sa October 30 episode ng Startalk.

"Nagda-dubbing lang ako for Rosario, last two sequences ko na, bigla na lang akong nanigas—ang tongue ko, 'yong lips ko.  Tapos 'yong ears ko namamanhid na. Pati yung hands ko, legs ko.  Tapos parang may mabigat sa dibdib ko, parang may nakadagan. Nahihirapan akong huminga."

Startalk host Butch Francisco asked Jennylyn kung bakit siya inatake nang ganito.

"Siguro kasi, few weeks ago, inatake na rin ako sa puso," paliwanag ng GMA-7 actress.

"Pero siyempre, wala namang nakaalam. Ayoko na rin sabihin noong time na 'yon, pero, nangyari na rin sa akin 'yon a month ago.  Nanonood lang naman ako ng TV. Pero, 'yon, bigla na lang din."

Inamin ni Jennylyn na meron nga raw siyang heart condition.

"Nag-trigger lang naman 'to after kong gumawa ng movie.  Siguro, sa sobrang pagod na rin, sa stress, kawalan na rin ng tulog.  Ang dami ko na rin ginagawa.

"So, medyo hindi na rin kinaya ng katawan ko, so, doon bumalik. Kasi, bata pa lang talaga 'ko, meron na akong heart problem. Pero ngayon lang siya ulit na-trigger. Parang may nag-trigger para bumalik ulit."

Meron na rin daw siyang maintenance medicine every morning and  evening.

Aniya pa, "Kaya ngayon, lagi lang akong masaya.  Ayoko ng maraming pressure.  Kasi, wala naman akong iniisip noong time na 'yon, tapos bigla-bigla na lang akong...bigla na lang siyang inatake."

DENNIS TRILLO. Tinanong rin ni Butch kung ano ang naging reaksyon ng boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo.

"'Yong una, alam niya. Pero 'yong pangalawa, hindi ko na sinabi sa kanya. Noong dinala nila ko sa hospital, medyo hindi na ako makakilos, e.

"Talagang hirap na hirap na 'ko.  So, tinawagan ko na lang siya noong maka-recover ako from that."

On a lighter note, Butch told Jennylyn na marami raw ang kinilig sa ginawa nilang production number ni Dennis Trillo sa Party Pilipinas last week.  Ganoon din daw ba sila ka-sweet off-cam?