Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng ABS-CBN para agad na maipatigil ang pagpapalabas ng Willing Willie, ang variety-game show ni Willie Revillame sa TV5.
Ayon sa report ng Philippine Star noong Lunes, November 1, hindi pinagbigyan ng CA ang petisyon ng Kapamilya network na patawan agad ng temporary restraining order (TRO) ang Willing Willie.
Sa three-page resolution na sinulat ni Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla, binigyan muna ng limang araw ang kampo ni Willie para sagutin ang petition ng ABS-CBN.
Binigyan din ang network ng lima pang araw upang sagutin ang magiging komento ni Willie.
Isinampa ng ABS-CBN ang isang TRO laban kay Willie noong October 4 sa Quezon City Regional Trial Court. Ayon sa network, nakapirma pa ang TV host sa kanila ng kontrata hanggang September 2011 kaya't hindi siya dapat gumawa ng programa o lumabas sa ibang network.
Matatandaang hindi naglabas ng desisyon hinggil sa TRO si Judge Luisito Cortez ng QCRTC Branch 84, noong October 8 hearing. Ayon kay Judge Cortez, sa pagtatapos ng Oktubre pa siya maglalabas ng desisyon.
Dahil dito, nagsampa muli ang ABS-CBN ng petisyon sa QCRTC noong October 15 upang mapabilis ang desisyon ni Judge Cortez. Ayon sa ABS-CBN, dapat maibaba na ang TRO bago pa maipalabas ang premiere ng Willing Willie noong October 23.
Ngunit nabigo muli ang ABS-CBN na makakuha ng TRO. Ayon kay Judge Cortez, hindi napatanuyan ng network na may "urgent need" para maglabas ang korte ng desisyon bago ang premiere ng show ni Willie.
Dahil dito ay dumiretso na ang ABS-CBN sa Court of Appeals. Ngunit nabigo pa rin sila sa CA.
RATINGS NG WILLING WILLIE. Matagumpay naman ang launch ng Willing Willie noong October 23. Tuwang-tuwa ang host ng programa, pati na rin ang staff, nang tuluyan na ngang mai-ere ang kanilang primetime program.
Sa ngayon ay magdadalawang-linggo nang umeere ang Willing Willie.
Ayon sa data mula sa AGB-Nielsen, pangatlo ang Willing Willie sa ratings noong October 29, with an 8% audience share.
Nangunguna rito ang 24 Oras ng GMA-7 with 10.8% audience share, at pangalawa ang TV Patrol ng ABS-CBN with a 9% audience share.
Sa data naman mula sa Kantar-TNS, pangatlo pa rin ang Willing Willie sa ratings noong October 29 with a 10.1% audience share.
Nangunguna naman dito ang TV Patrol with a 26.2% audience share, at pangalawa ang 24 Oras with a 19.2% audience share.






at the end, c MVP pa rin ang kawawa..
kung cna BOSS GABBY AT MADAM CHARO nga eh kinontra ni willie na after ilang beses ng pinagbigyan, c MVP pa kaya?
OBVIOUS naman ang gusto ni willie eh...na xa lng ang boss...na xa lang ang masusunod...
panget talaga JUSTICE SYSTEM sa pinas..
manalo man ang ABS CBN, tapos na kontrata ni willie..useless ika nga..
iba compare sa justice system ng dubai at dito sa australia
tapos yung one episode about the blidnfold thing, nawala na naman sa mood ang lolo nyo... kulang na lang magmura dun kc palpak ang blidnfold nakikita ng contestant...
maawa naman daw sa kanya kc sya ang producer.. akala ko ok lang sa kanya magbigay ng malaking papremyo....
hei naku, enough of willy this man will never changed....