news

Raymart Santiago and Claudine Barretto want to put an end to recent controversies surrounding their marriage
by Paul Mata posted on November 6, 2010  STATS: 52359 Views | 61 Comments

Raymart Santiago and Claudine Barretto look forward to spending Christmas with their kids Sabina and Santino.

Photo By: Paul Mata

Magandang balita ang bumati kay Raymart Santiago sa set ng early primetime series na Bantatay. Mae-extend kasi ng three more weeks ang series dahil sa magandang performance nito sa ratings.

Dagdag pa rito, makakasama niya ang kanyang asawa, ang kilalang artistang si Claudine Barretto, sa series as a special guest star for next week.

Claudine will play a veterinarian na tutulong kay Bantay (the dog persona of Raymart). Mapapalapit ang character ni Claudine kay Bantay.

Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang pang entertainment writers kahapon, November 5, ang set ng naturang TV show na ginagawa sa Subic Bay sa Zambales. Sabay na nagpa-interview ang mag-asawa.

"Hindi kami love team dito," biro ni Claudine.

Sabi ni Raymart, hindi sila magkakaeksena ng kanyang misis. Pero present siya sa mga eksena na ite-tape ni Claudine with the Labrador Retriever na gumaganap bilang Bantay.

"Ako yung makikita ng tao. Si Claudine hindi niya ako makikita. Panget naman na nagsasalita yung dog. Sa umpisa siguro, nandoon ako," sabi ni Raymart.

"Actually, nabibigyang buhay ko ang role na patay," pahayag ng aktor.

Madali naman daw para kay Claudine na tanggapin ang guest role sa show ng kanyang asawa. Nag-guesting na rin daw kasi dati si Raymart sa weekly drama anthology ng aktres na entitled Claudine.

"Pinapanood kasi namin every day," sabi ni Claudine tungkol sa serye ni Raymart. "Siyempre support talaga. Palitan lang kami."

Bukod sa kasama niya ang kanyang asawa sa series, natutuwa si Raymart na halos kumpleto din ang cast ng 1986 film Angelito San Miguel: Ang Batang City Jail, na kinatampukan niya.

"Kulang na lang si Keempee [de Leon]. Nandiyan si Kier [Legaspi], si Joko [Diaz], at si Gary [Estrada]."

Sabi ni Claudine, sinasama pa ni Raymart sa set ng Bantatay ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino. Dapat sana raw ay kasama nila ang dalawa nang araw na dumalaw ang PEP ngunit nagkaroon daw ng pagbabago sa scheduling ng mga eksenang kukuhanan.

"Kasi ang set namin, sa Tagaytay. Nagpa-book na ako ng hotel doon. Ngayon, kailangan ng airport kaya pumunta [kami] dito. Plano pa ng mga kaibigan ko na mag-beach pa sa may Taal. Kaya after nito, derecho naman kami ng Tagaytay."

Dagdag ni Claudine, "Kasama ng mga kaibigan namin yung dalawang bagets."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

61 Comments

  • 21  gemjustine

    11/06/2010 | 01:50 PM
    BASTA WERE HAPPY SA INYO CLAU... BASTA BE HAPPY
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  Ornusa

    11/06/2010 | 01:45 PM
    Walang wala talaga ito kay juday. Mapa career, pamilya at ugali winner si judy ann santos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  ladygossip

    11/06/2010 | 01:33 PM
    claudine - pinaka INSTANT bagsak na artista sa showbiz world!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  mischell_07

    11/06/2010 | 01:25 PM
    love this couple..ganyan angmag asawa nagtutulungan..at sila nasa itaas wala makakapagbababa kanila kc talento ang nagdala sa kanila dun hinidalakasan at pagbobold or panggagagmit...she is the GOLD in GMA now...abanngan ang kanyang mga shows! GMA pls give her the best show ever! sa kanila ni regine nababagay mga maganda show at quality. kc sila ang tunay na big star jan.no other, marian still starlet at wala pa napapatunayan..tigilan na sila ng mga intriga nakaksawa na ang mga tanong paulit2...move on na lahat! lalo mga press! mga press magaling magpalawak at intriga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  happyme

    11/06/2010 | 01:24 PM
    summerrainy your ryt laos na sabi ni patola eh panag aksayahan ng panahon dito grrr kawawa ka teh wait kana lang pag my article idol mo sino ba idoly yun dukot queen bwahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  happyme

    11/06/2010 | 01:20 PM
    we will always be here for you claudine we love you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  Gie_0612

    11/06/2010 | 12:47 PM
    well, goodluck sa career. Parang ang hirap kasi ng maraming kaaway.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  imba2010

    11/06/2010 | 12:34 PM
    simula nung lumipat si clau,dumami ang intriga sakanya..hmmmm..bakit kaya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  amanda2010

    11/06/2010 | 11:37 AM
    sana more movies pa for claudine dahil natural ang dating niya. magaling yata itong magpili ng mga roles niya. iyong iba kasi pag sosyal ang role sa movie, naku change channel kaagad kasi standing na mga balahibo ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  bumbum

    11/06/2010 | 11:12 AM
    dapat tantanan na ang mag-asawang eto ng intriga!!! talagang natural lang sa mag-asawa ang nag-aaway or may hindi napagkakasunduan!!! huwag nyo naman sirain ang samahang ng dalawang eto!! kaya sila pinupukol ng intriga ay dahi nakikita ng iba na masaya sila!! inggit lang ang iba kay raymart amp; claudine!!! kung ano man ang pinagbuklod ng Diyos, hindi pwedeng sirain ng sinuman!! kahit demonyo ka pa!!! kaya naniniwala ako kay raymart amp; claudine!!! God bless your family!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  KENGERALDONGOS

    11/06/2010 | 10:33 AM
    insecurity is suicide... huwag mging bitter. huwag mainggit. sumikat si claudine dahil may talent siya sa pag-arte. hindi nman siya sumikat bilang boldstar eh. ahahaha

    di dapat mainggit ang iba jan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  summerainy

    11/06/2010 | 09:59 AM
    Payatola, puso mo baka malaglag hahaha! Di naman halatang galit na galit ka kay Claudine pati dun sa isang article tungkol sa kaniya, kung anu ano pinagsasabi mo. Nakailang log in, log out ka na ng mga accounts mo dito sa PEP? Bwahahahaha! Relax lang mamamatay ka niyang maaga dahil lang sa paninira at panlalait mo ng kapwa. Laos na pala eh bakit mo pa pinag aaksayahan ng panahon yung tao? Oh the height of hypocrisy! Go Claudine! Ikaw lang kilala kong artistang laos pero pinag aaksayahan pa rin ng mga tao bwahahahaha! Sarap maging laos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • payatola

    11/06/2010 | 09:45 AM
    anong gimik ba itich miss klaw klaw....para lang ba mapag usapan ang mga palaos ng palaos niang career....noon kidnap ng kanyang anak, awayin nia ang mga youngstar, ngayon naman balik pamilya at hiwalay naman kuno..siguro totoo ngang hiwalay na sila dahil mainitin parati ang ulo nitong si miss klaw klaw sa bahay nila dahil hindi nia matanggap ang katotohanang pa-LAOS na ang beauty nia sa zhowbizzzz...mga bagong generasyon na naman ang pinapalakpakan at tinatangkilik ng mga kabataan.
    babu miss klaw-klaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • KENGERALDONGOS

    11/06/2010 | 09:30 AM
    congrats raymart and claudine! talagang pinagpapala kayo... never mind the demonyos. kahit anong paninira ang gawin nila hindi sila tatabla sa faith ninyo. God bless both of you.

    bakit mga kapams ay sobrang bitter kay claudine? haha. di nila matanggap na kapuso na si claudine.

    grow up kapams
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • joanncabale

    11/06/2010 | 08:08 AM
    congrats raymart sa bantatay..2nd fave namin dito sa house after GRAZILDA.

    i can see na happy kayo ni claudine as couple. never mind the issues.
    we love claudine..we will support all her future projects.

    more power to the both of you.

    from GENERAL SANTOS CITY and proud kapuso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • summerainy

    11/06/2010 | 07:08 AM
    Happy Anniversary Raymart and Claudine! May God bless you both always. Stay happy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • plutocopy

    11/06/2010 | 06:54 AM
    akala ko hiwalay na cla dahil sa nabasa kong headlines..d pala LOL ang pinoy kung magheadline pa excite eh as expected d naman pala. hmpf
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • catalina

    11/06/2010 | 06:46 AM
    2
    kadabarkads

    ------------

    she had to back out kasi ''nag-boomerang'' sa kanya yung gulong inimbento niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aprilgurlay

    11/06/2010 | 06:44 AM
    eto na naman tong Claudita, wala talagan dala, kung di totoo tumahimik ka na lang, ikaw lang naman ang gumagawa ng ingay eh!!!! tumahimik ka at kung di totoo mamatay din yang story mo! tse!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kadabarkads

    11/06/2010 | 06:38 AM
    akala ko ba sabi ni klaw klaw hindi sya titigil hanggang di umabot ng korte or something like that? hmmm...atras ang byuti klawdin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About