John Manalo admits he turned down TV5's offer out of gratitude to ABS-CBN, his home network. "Mas gusto ko po dito kasi dito na ako lumaki. I was nine years old po nung mag-start ako sa Goin' Bulilit. Pero 7 years old pa lang ako ay lumalabas na ako sa ABS-CBN. Ngayon po [ay] 15 na ako."

 

 

Masayang-masaya si John Manalo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng teen cast ng Mara Clara. Ginanap ito noong Biyernes ng gabi (November 5) sa 14th Floor ng ELJCC building sa ABS-CBN compound.

Very thankful si John sa break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para mapabilang sa bagong teen cast ng Mara Clara kung saan katambal niya ang fellow Goin' Bulilit co-stars niya na si Julia Montes who plays Clara.

Kasali rin ang isa pang co-star niya sa Goin' Bulilit na si Kathryn Bernardo, who plays Mara in the Kapamilya teleserye directed by Jerome Pobocan.


TURNING DOWN TV5'S OFFER.
Tinanong ng PEP si John kung ang offer to do Mara Clara ang naging dahilan kaya hindi siya lumipat sa TV5. May balita kasi na inalok siya ng TV5 na pumirma ng kontrata sa Kapatid network.

"May offer po ang TV5 pero guest role lang ito. Hindi po ako pumirma kasi may contract pa kami sa ABS-CBN. Siyempre may utang na loob po ako sa ABS-CBN kasi dito po ako lumaki. So hindi po kami lumipat," paliwanag niya.

Pero talagang gusto kang kunin ng TV5?

"May offer po sila pero... may na utang na loob kami sa ABS-CBN [at] mas gusto ko po dito kasi dito na ako lumaki. I was nine years old po nung mag-start ako sa Goin' Bulilit. Pero 7 years old pa lang ako ay lumalabas na ako sa ABS-CBN. Ngayon po [ay] 15 na ako."

Masaya ka naman sa mga roles or projects na ibinibigay sa iyo?

"Opo, kahit na po anong role tatanggapin ko for ABS-CBN. Alam ko naman po na hindi ako pababayaan... na bibigyan ako nang mas challenging na role kaya very thankful ako sa ABS-CBN," paglalahad pa ni John, who played Sharon Cuneta's son in the 2008 movie, Caregiver.


EDUCATION REMAINS A PRIORITY. Pero kahit na abala siya sa Mara Clara remake ng ABS-CBN, hindi naman daw pinabayaan ni John ang kanyang pag-aaral. May oras pa rin siya sa kanyang studies.

"Opo, nag-aaral pa rin po ako kahit na nag-aartista ako... Kailangan mag-aral kasi hindi naman po permanente ang showbiz. Kailangan may back-up po," wika ng 15-year-old na pamangkin ni Jericho Rosales.

Pero masaya si John na napili siya to be a part of Mara Clara kahit na dumaan din siya sa audition to get the role that was portrayed by Christopher Roxas sa original series.

"Opo, sobrang saya po [ako] kasi mother of all teleseryes ang Mara Clara, di po ba? Tapos primetime pa po. Minsan lang po mabigyan ng ganyan kagandang break ang mga batang katulad namin kayo po masaya kami," sagot ng bagets.

Ano ang naging reaction mo nang malaman mo na kasali ka sa cast ng Mara Clara?

"Sobrang honored po kasi napakalaking karangalan and privilege po na makasama sa cast ng Mara Clara. Kaya nga po mas pinagbubuti ko pa ang pagganap kasi ayoko pong mag-mimic ng character. Iba na ang kultura ngayon at iba na po ang pagtakbo ng show kaya mas mabilis po siya," sagot ni John.