"Gusto ninyo ng Ka-Pe?" Karen delos Reyes (in photo) asks, making light of her so-called loveteam with Joey "Pepe" Smith. "Para manginig naman kayo?"

 

Photo: Noel Orsal

Iniuugnay ngayon ang legendary Pinoy rock star na si Joey "Pepe" Smith sa Survivor Philippines Celebrity castaway na si Karen delos Reyes.

Nagsimula ang lahat nang mag-guest si Karen sa game show na Asar Talo Lahat Panalo! at si Pepe Smith ang kanyang taga-suporta.

May mga nakapansin daw na magka-holding hands ang dalawa  at sweet na sweet sa isa't-isa.

Tila nagselos pa nga raw si Karen ng akbayan ng Pinoy rock icon ang co-host sa game show na si Ellen Adarna.

At para malinawan ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa, live na nag-guest pareho sina Karen at Pepe sa StarTalk TX kahapon, November 6,  at humarap sa apat na hosts ng show na sina Joey de Leon, Ricky Lo, Butch Francisco, at Lolit Solis.

Ang unang tanong ay tungkol sa tweet ni Karen sa kanyang Tweeter account: "I can't wait till weekend, I'm gonna do it and the truth will set everybody free."

Iyon ba ay ang pag-amin niya sa namamagitan sa kanila ni Pepe?

 "Kaya nga ako nandito para linawin ang lahat na... Wala talaga, ano ba kayo?! My God!

"Kasi kaibigan ko ang mga anak niya e, so nakakahiya dun sa mga anak niya," umpisang paglilinaw ni Karen.

Ayon naman kay Pepe...

"Ba't ganun katsismoso ang mundo, noh? Alam mo, naging magkaibigan kami at binigyan agad ng kung anu-anong mga tsismis na...  Diyos ko! Masama bang maging isang kaibigan... well maybe I can say na I like her."

Na ikina-react ni Karen ng, "Wow, ha! Huwag kang makulit!" habang tawa nang tawa.

Pagpapatuloy pa ni Pepe...

"Parang ito... I like her, I like Nicole Kidman, I like... masama bang mabighani sa isang tao, 'di ba?"

Na sinagot naman ni Karen ng...