Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Eigenmann kagabi, November 7, sa birthday party ni Jolina Magdangal sa Thaipan Restaurant. Sina Gabby at Jolina ay parehong mga artists ng PPL Entertainment.
Nagpaunlak naman ng interview si Gabby kunsaan kinamusta siya ng PEP tungkol sa napapabalitang kalagayan ng kanyang kapatid sa ama na si Maxine Eigenmann. Noon pa nga nababalitang nagdadalang-tao si Maxine, pero never pa nitong inamin or kinumpirma.
Pero bago makausap ng PEP si Gabby, nakarating sa amin ang balita na ang ama raw nila na si Mark Gil ay tila inamin na rin ang kalagayan ng anak sa isang talk show.
Unang tanong namin kay Gabby, kumusta nga ba ang kanyang kapatid?
"Okay naman siya, sa pagkakaalam ko, siyempre, with all that's been happening, I'm just waiting for her. Hindi pa kami nagkakausap. Hindi dahil sa galit ako sa kanya. Hindi dahil galit siya sa akin.
"Ako naman... ayokong makialam kasi, may kanya-kanya naman kaming buhay. Kung anuman ang naging kapalaran niya ngayon, nandito lang ako. Kung kakailanganin niya ko, I'll always be here," ang sabi ni Gabby.
Nalaman lang ba niya ang balitang buntis si Maxine dahil sa mga balitang naglabasan or nakumpirma niya muna ito before the news came out?
"Before pa naman, before pa lumabas 'yan. Ako naman, pagdating sa mga ganyan, hindi talaga ako nakikialam. Ang sa akin, nandito lang ako kung kailangan ako tumulong."
Ilang buwan na raw ang dinadala ng kapatid?
"I have no idea, e... four, five months?"
NOT SURE. May pangalang lumabas na siyang ama raw ng ipinagbubuntis ni Maxine-si Jay Server raw?
"Kilala ko siya... pero, hindi ako sigurado kung siya talaga."
Bakit yun ang pangalan na lumalabas?
"Siguro nagkataon dahil sila ang magkasama noong mga panahong yaon. Pero maaaring, hindi siya kasi, prior to that, may mga nakakasama rin naman siyang iba noon. So, hindi pa namin nata-tackle kung sino talaga."
Diniretso na namin si Gabby dahil ang naiiwang impression sa amin ay tila hindi pananagutan ng guy ang pagbubuntis ni Maxine.






ang nanay ni gabby ay si irene celebre.
mga anak ni mark gil kay irene celebre, the first wife, are gabby and ira. 2 lang sila. im not sure kung may kapatid sila with irene's second husband, si robin aristorenas.
mga anak ni mark gil kay bing pimental, the second wife, are sid and maxene, at may iba pa yata.
anak ni mark gil kay jacklyn jose is andi.
masyado ka namang bilib sa abias cbn,..dont you know that they are falling down,..
Tried and tested na ng panahon yan.
Tsk tsk ...
pero tama naman sya she'd done it before and again and again and again.
kala ko first time..2nd times na pala ito...kaya na shocked sila hindi dahil nabuntis kundi dahil she never learned from her mistakes!
peace!
sya yong kasama ni gerald anderson sa kung tayo'y magkakalayo
tama rin ang sinabi niya na maski kapatid mo kung nasa tamang edad na hindi mo rin pwedeng panghimasukan. shes of age at may sarili ng diskarte sa buhay.
kung lilipat siguro si gabby sa ABS mas sisikat siya, pang world wide kasi ang ABS at kokonti lang din ang kontra bida doon. fans dont see enough of him dahil nakatago siya sa GMA. ive seen some of his work and i must say he's a good actor and i'd like to see more of him doing quality movies.