Noong October 6, dumayo sa Angono, Rizal, ang presidente ng ABS-CBN, na si Charo Santos-Concio, upang pasinayaan ang simula ng Teaching, Learning and Caring (TLC) project ng DZMM, ang radio station ng Kapamilya network.
Ang TLC project ay ang outreach program ng DZMM para sa mahihirap na komunidad sa bansa. Tampok dito ang dalawang truck na nagsilbing mobile clinic at mobile library.
Ginamit ang mga ito sa paghandog ng libreng serbisyong medikal at sa pagdaos ng reading session para sa mga residente ng Angono.
Sa reading session, kasama si Ma'am Charo, na siyang tawag ng industriya sa presidente ng ABS-CBN. Tuwang-tuwa ang mga batang nakinig sa kuwentong hatid ng ABS-CBN executive.
KIDS HUNGRY FOR KNOWLEDGE. Sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Allan Sancon, sinabi ni Ma'am Charo na maging siya ay natuwa sa reading session. (CLICK HERE to watch a video taken during the event)
"Yung attention nila focused na focused dun sa pagkukuwento mo. Natutuwa ako kasi nakikita mo yung natural aptitude nila for learning," kuwento niya.
"Nakakataba naman ng puso talaga na makisalamuha sa mga bata, lalong-lalo na kung magkukuwento ka sa kanila. Kasi nakikita mo, di ba, na very focused sila, very attentive, at saka kung mabibigyan talaga ng pagkakataon na mas madagdagan ang kaalaman, mas makakabuti yun sa ating kabataan. "
Pangalawang beses na raw nagbasa si Ma'am Charo para sa mga bata.
"I've done this for the Philippine Daily Inquirer," sabi niya. "So this is the second time, and it's always an enjoyable experience. Nang makita mo yung mga bata, makikita mo yun sa mga mata.
"They're so interested. They're hungry for additional knowledge. Gustong-gusto nilang makuwentuhan. Kaya nga lang, di ba, salat sila sa pambili ng mga aklat, ng mga gamit sa eskuwela."
Masayang-masaya daw siya sa proyektong naisip ng DZMM. Gayunpaman, hiling niya na maging mas malakas ang "community involvement" para magkaroon ng pangmatagalang bisa ang proyekto.
"Sabi ko nga kay Peter Musngi, [ABS-CBN] VP for Radio, mas involved sa community para hindi yung pag-alis natin, makalimutan na. We want this to continue."
Dahil dito, naghahanap daw ang network ng marami pang magboboluntaryong doktor at mga guro para sa TLC.
"So, we're looking for volunteer teachers, volunteer doctors in the respective communities na pupuntahin natin para maipagpatuloy nila yung sinisimulan natin," sabi niya.





Mr. Gabby - ikaw din wag masyadong tutok sa willing willie.
okayka
November 9, 2010
13:47 PM bakit sa mega manila, bakit hindi doon sa mga malalayong lugar na hindi naabot ng kuryente. iba talaga kumilos ang mga kapam, well choreographed and planned.
------------------------------------
ang mga comment nga naman, kulang na lang sabihin na 'don ka sa liblib na lugar para makidnap ka...lol. well, lahat naman dapat ng gagawin ay dapat well planned at choreographed. kasi kung hindi, di maganda ang kakalabasan ng proyekto. pero di kagaya ng iba d'yan na sa pandaraya well planned at choreographed...ouch, mi mahurt na naman dyan...hahahahaha... ang tamaan ay magagalit...
r2kin2
November 9, 2010
07:31 AM korek, hindi masama tumulong. ang nega dito, may kasamang press.
kung gusto mo tumulong, gawin mo na walang camera at publicity.
-----------------------------
nakakatawa naman 'tong isang 'to, walang press daw dapat oh. pero title pa lang DZMM's TLC. ano kaya ang DZMM? mamamayan? lol
kapamilya247
November 9, 2010
11:29 AM
2
ngalotp
November 8, 2010
23:58 PM
abs pataub nang pataub,ano bayan
-----------------
ni hindi nga kayo makaabante sa national ratings pati sa mega ratings medyo tinatalo na kayo ng ABS so sino ngayon ang pataob?
bayaran niyo na kasi ng malaki ang AGB para tumaas na ulit ratings niyo. dami na naman matsutsugi na palabas niyo oh!
------------------
Saksak nyo nalang sa baga nyo ang kantar na yan ang tagal na number 1 ng EBAK S LBM pero palaki ng palaki ang utang. Masaya na kami sa megamanila at least may proof na number one talaga. Sanay na sanay ka sa bayaran ganyan ba ginagawa ng KANTAR? kaya kahit number one lubog sa utang? bwahahahahahhahahahaha.
KENGERALDONGO
S
November 9, 2010
03:15 AM andito na nman si Utang Queen... magpapatong na nman ng karagdagang bayad sa Meralco...
---------------------------
ateh, halatang napag-iwanan ka na... hoy gising. baka ang ibig mong sabihin ay magtataas ang meralco para pambayad kay willie... lol
ngalotp
November 8, 2010
23:58 PM
abs pataub nang pataub,ano bayan
-----------------
ni hindi nga kayo makaabante sa national ratings pati sa mega ratings medyo tinatalo na kayo ng ABS so sino ngayon ang pataob?
bayaran niyo na kasi ng malaki ang AGB para tumaas na ulit ratings niyo. dami na naman matsutsugi na palabas niyo oh!
kakatawa ka teh!
ang kinu-question ng iba dito kay aling charo eh yung motibo at yung timing na paglabas nya sa TV...ginagawa nya ito para panlaban sa Willing willie...wala silang iniwan sa mga politiko bago mag-election na lahat ng ka-pekean eh ginagawa para makakuha ng simpatya sa publiko....
naka-isa ang mayabang na willie sa DOS.