Pagkatapos umamin ni Rachelle Ann Go na nag-date sila ni John Prats sa Eastwood mall sa Pasig City noong late October, ngayon naman ay ang young actor ang umamin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumalabas nga sila ng singer.
Ironic nga lang na kung kailan lumipat si Rachelle sa bakuran ng GMA-7 ay saka pa sila tila nagkagustuhan ni John.
Magkasama noon ang dalawa sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.
Si Rachelle ay regular na napapanood ngayon sa katapat na programa nito sa GMA-7, ang Party Pilipinas.
"Oo, lumalabas naman kami. May mga group dates, may mga kami lang," sabi ng 26-year-old actor noong Huwebes, November 4, sa taping ng Banana Split.
Dagdag niya, "Matagal ko nang kilala si Shin [palayaw ni Rachelle], nung ASAP pa lang. Ngayon lang kami ulit nagkasama dahil kina Jommy [Teotico] at Eric [Santos] kasi nakasama ko sa tours ang mga yun. At yun ang naging daan na magkasama kami ulit sa labas."
HINDI PLANADO. Aminado si John na masaya siya sa tinatakbo ng samahan nila ni Rachelle, lalo't hindi ito planado o inisip niyang mangyayari pala in the future.
"Masaya kasi hindi planado," sabi niya. "Hindi yung nasabi ko na 'type ko itong babaeng ito,' walang ganun, e.
"Nagsimula lang talaga nung lumabas kami hanggang sa na-enjoy namin yung company ng isa't isa. Ganun lang talaga siya nangyari, hindi nag-e-expect ng kahit na ano kaya masaya. Walang pressure, walang expectations."
Gaano ba ka-special para sa kanya si Rachelle?
"Special siya sa akin kasi siya yung taong mas madalas kong nakakausap ngayon, nakaka-text, at nandiyan para makinig at tumawa sa mga kuwento ko," sagot ni John.
Ano na ang estado ng kanilang relasyon?
"Ayoko kasing gamitin yung term na ligaw. And ever since, alam n'yo naman na talaga yun.
"Pag ligaw kasi, best foot forward, e. Pero alam naman niya na hindi naman siguro ako magte-text at tatawag sa kanya kung hindi ko naman siya gusto," saad ng kuya ni Camille Prats.
Inisa-isa rin ni John ang mga katangian na nagustuhan niya kay Rachelle.






sna mging strong ang foundation ng blooming relationship nio pra 2magal kau... Godbless both of U!
anyway, i know sinabi nya na pina alam nya na kay gab valenciano tungkol sa blooming relationship nila.. but i still find it weird na nag papalitan ng mga gf and bf ang mga showbiz celebrities among friends...
i say this because siguro naman meron silang some sort of friendship ni gab dahil pareho silang nasa supah dance segment ng ASAP and pareho din silang nasa Banana Split.. yun lang.. the end.. lolz
anyway, i know sinabi nya na pina alam nya na kay gab valenciano tungkol sa blooming relationship nila.. but i still find it weird na nag papalitan ng mga gf and bf ang mga showbiz celebrities among friends...
i say this because siguro naman meron silang some sort of friendship ni gab dahil pareho silang nasa supah dance segment ng ASAP and pareho din silang nasa Banana Split.. yun lang.. the end.. lolz
By the way, very positive ang mga pepsters sa article na ito. :
the guy's in love with you, girl [smiles]
you're a part of me, that dreams are all about lols