"Before naman I did this film, wala pa naman akong experience sa acting sa movie. Nagulat talaga ako na magiging part ako nito. And when I read the script, I realized na iba talaga ang role na ito sa mga nagawa ko sa TV. This is one of the challenging roles that I did," sabi ni Martin del Rosario tungkol sa first movie niyang Dagim.

 

Photo: Noel Orsal

Masaya ang young actor na si Martin del Rosario dahil siya ang napili na maging bida sa Cinema One Originals entry na Dagim. Ito ang unang acting assignment sa pelikula ng Star Magic contract star.

Ang Dagim ay idinirek ng singer-TV host na si Joaquin Pedro Valdes.

Dumalo si Martin sa opening night ng Cinema One Originals na ginanap kagabi, November 10, sa Shangri-La Mall,  Mandaluyong City, at dito siya nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kitang-kita sa batang actor, who will turn 18 on Novemebr 25, ang kanyang excitement. At masayang kausap ang makuwentong Martin.

"Itong Dagim ang first film ko and for me, sobrang thankful ako and grateful na naging part ako ng Cinema One Originals. Bihira lang naman ito dumarating sa buhay, na magkaroon ng break sa pelikula.

"Iba ito sa television acting. Magandang break ito at magandang training din ito sa akin in terms of acting," pahayag ni Martin.

WORKING WITH DIREK JOAQUIN. Ano ang naramdaman niya nang alukin siya ni Direk Joaquin na maging bida sa pelikula?

"Sobrang saya ako na makatrabaho si Direk Joaquin, although first time ko siyang nakatrabaho talaga," sagot ni Martin.

"Alam mo, gaganahan ka talagang magtrabaho kasi makikita mo ang passion for his work, dito sa film na ginagawa niya. Tapos, makikita mo rin ang production na magagaling talaga.

"Kita mo naman ang output. Mapu-prove mo talaga kung gaano sila kagaling.

"And for me, as an actor, mas na-inspire ako na galingan pa ang acting ko sa ginagawa ko sa Dagim, kasi nakikita na lahat sila ay nag-e-exert ng effort para pagandahin ang pelikula. Kaya naman ibinigay ang lahat sa film na ito."

"KAKAIBANG ROLE." Isang malaking sorpresa raw para kay Martin na siya ang napiling gumanap sa lead role sa pelikula.

Sabi niya, "Before naman I did this film, wala pa naman akong experience sa acting sa movie. Nagulat talaga ako na magiging part ako nito.

"And when I read the script, I realized na iba talaga ang role na ito sa mga nagawa ko sa TV. This is one of the challenging roles that I did.

"Iba kasi ang character na pino-portray ko kasi medyo loud siya. Tapos may kasamang fear and anger ang emotions na kailangan kong i-convey. Ang character ko sa film ay malayong-malayo sa personality ko.