Malapit nang maabot ng ABS-CBN ang P3-billion target income nito para sa taong 2010.
Sa katunayan, mahigit-kumulang P100 milyon na lamang ang kailangan ng nasabing network para maabot sa target.
Inihayag ito ng mga opisyal ng network sa isang briefing kaninang umaga, Nobyembre 12, sa ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City. Dumalo dito ang PEP (Philippine Entertainment Portal), ilang miyembro ng business press, at ang mga business partners at investors ng ABS-CBN.
Base sa isang presentation na pinamunuhan ni Charles Gamo, head ng investor relations ng network, P2.9-billion na ang profit na nakuha ng ABS-CBN. Ito ay datos daw mula Enero hanggang Setyembre lamang ng taong ito.
Samakatuwid, mahigit-kumulang P100-million na lang ang bubunuin ng network mula Oktubre hanggang Disyembre para makuha nito ang target na P3 billion.
Sa parehong period noong 2009, P1.3 billion lamang ang nakuhang profit ng ABS-CBN—nangangahulugang mas mataas ang kinita ng ABS-CBN ngayong 2010.
Mas mataas din ang consolidated revenue ng nasabing kompanya mula Enero hanggang Setyembre nitong 2010 kaysa noong 2009.
Nagtala ng P24.7 billion consolidated revenue ang ABS-CBN ngayong 2010, na mas mataas nang 35% noong isang taon.
ADVERTISING REVENUE. Ayon kay Gamo, nagtamasa raw ang ABS-CBN ng mataas na advertising revenue noong unang quarter—Enero hanggang Marso—ngayong 2010.
Napanatili naman daw ito ng ABS-CBN hanggang third quarter—o mula Agosto hanggang Setyembre.
Sa P24.7 billion na revenue, 68% dito ay nanggaling sa advertising, habang 32% naman ay galing sa consumer sales (kita galing sa subscription sa ABS-CBN Global o TFC, Skycable, at iba pang platform).
Paliwanag ni Gamo, tumaas daw ang advertising revenue dahil sa pagtaas din ng mga political ads ngayong taon, dahil na rin sa nakaraang eleksyon.
Kung susumahin, P16.9 billion ang total advertising revenue ng ABS-CBN sa lahat ng platform at subsidiaries mula Enero hanggang Setyembre 2010. Mas mataas ito ng P6.2-billion, o 58%, sa parehong period noong 2009.
Tumaas din ng P3.9 billion ang advertising revenue mula sa mga regular na advertisers. Samantala, P2.3 billion naman ang kinita ng network sa political advertisers.
Tumaas din ng 46% ang total advertising minutes ng ABS-CBN, kung ikukumpara sa parehong period noong isang taon.






ehryle
eh dito pa lang sa article na 'to nakalagay na! magbasa kasi bago mag-comment!
Group chairman Manuel Pangilinan told a news briefing that 850 jobs, 6percent of the group's employees, would be cut by the end of the year, resulting in a one-time cost of P2 billion.
----
Company's profit in the first 9 months - P32 billion, up by 7percent from a year ago.
souce: abs-cbnnews
11/04/2010
===
kahit ang pinaka malaking kumpanya sa bansa, hindi ligtas sa tanggalan.
kung tutuusin 30 times na mas malaki kita nito sa ABS-CBN at GMA.
--
nasa saturation point na daw kce sila. pls see more sa article.
pero ibinaba na lamang sa 3B, senyales na bahagyang bumabagal ulit ang paglago ng kumpanya.
maging sa Stock Price, nahinto n rin ang Uptrend.
10B Loan - hindi talaga maganda ang umuutang.
pero if magagamit ng TAMA, tiyak na mas mapapa-kinabangan sa mas lalong paglago.
ang GMA stocks ay SIDEWAYS to DOWN ang galaw ng Stocks. ibig sabhn umaasa pa ng magandang balita ang mga investors sa kumpanya.
ayon nga kay Mr. Astro Del Castillo isang kilalang MArket Analyst. Hindi sapat ang pagiging Debt Free ng GMA para mahikayat pa ang mga long term investors na maginvest sa kumpanya.
123percent ang inilundag ng ABS-CBN sa Kita. kung aalisin ang 7 percent na kinita mula sa Pol Adsdi hamak malaki pa rin ang kinita ng ABS-CBN
halos pantay ang Income ng GMA sa kapareho nitong panahon.
pero mas mababa kung ikkumpara kung hindi isasama ang PolAds.
take note: malaki rin ang kinita ng GMA sa PolAds.hindi nagkakalayo sa ABS-CBN
FINDINGS:
ang talagang nagpataas sa kita ng ABS-CBN dis 2010 ay kumbinasyon ng
REGULAR ADS, POL ADS at CONSUMERS SALES!
BREAKDOWN:
93 percent mula sa REGULAR ADS
7 percent lang sa POLITICAL ADS
36 percent pa ang inangat ng REGULAR ADS!
25 Billion ang Revenue ng ABS-CBN o kita na wala pang bawas sa gastusin.
---up 35 percent
BREAKDOWN:
17 Billion mula sa Ads sa Radyo at TV
8 Billion mula sa product sales or ung mula sa magazine subs, movie tickets, albums, concerts, sky cable subscription, tfc subs..etc
Well just wait mu nalang ung ending pagnabenta na ang ABS!!! btw can u give us the link or any website na 10 BILLION ang utang ng ABS.. para naman po may basehan ka!!!
mga inggiterz!!!
go kapamilya!!
keep up d gud work..
don't mind d bitters hir..