news

Mon Confiado says Tsardyer is not the true-to-life story of Ces Drilon

by Jocelyn Dimaculangan posted on November 14, 2010  STATS: 7707 Views | 6 Comments


In Tsardyer, Mon Confiado portrays a cameraman who is kidnapped in Sulu, along with the character of Dimples Romana. This indie film is one of seven films competing in the 6th Cinema One Originals filmfest, which is ongoing at the Edsa Shangri-La Mall.

Photo By: File photo

Isa sa mga pinag-uusapang eksena ng indie film na Tsardyer ay ang rape scene ni Dimples Romana. Ang Kapamilya actress ay gumanap sa pelikula bilang isang reporter na kinidnap ng mga Abu Sayyaf para sa ransom.

Written and directed by Sigfreid Barros-Sanchez, ang Tsardyer ay isa sa pitong pelikula na kalahok sa 6th Cinema One Originals film fest, na kasalukuyang ipinapalabas sa Shangri-La Mall.

Ang indie film na ito ay loosely based sa naranasan ng broadcaster na si Ces Drilon at mga kasama niyang cameramen nang ma-kidnap sila sa Sulu.

Kuwento ni Mon Confiado, isa pang cast member ng pelikula: "Ang tanong nga lagi sa amin, 'Nung na-kidnap ba si Ces Drilon, na-rape ba siya o hindi?'

Nilinaw ni Mon, "Inuulit po namin lagi, ito ay hindi true-to-life story ni Ces Drilon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mon sa gala premiere ng Tsardyer na ginanap kagabi, November 13.

"Napaka-sensitive ng topic, e," patuloy ng aktor. "Meron kaming pinakitang rape scene, pero hindi nangangahulugan na yun ang nangyari kay Ma'am Ces Drilon. Ito ay inspired lang."

Sa tunay na pangyayari, na-kidnap ang ABS-CBN news anchor ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu noong June 2008.



Dagdag pa ni Mon, "Cameraman ako dito ni Dimples Romana, na nagre-represent sa character ni Ces Drilon. Sa totoong istorya kasi ni Ma'am Ces, meron talaga siyang talagang dalawang cameramen na kasamang na-kidnap.

"Pero nililinaw namin na hindi ito ang storya ni Ma'am Ces."

Ang dalawang ABS-CBN cameramen na kasama ni Ces na na-kidnap ay sina Jimmy Encarnacion at Angelo Valderama.



TSARDYER BOY. Sabi pa ni Mon, "Ang Tsardyer ay tumatalakay talaga sa ten-year-old boy na, ayon kay Ma'am Ces, may gano'ng character talaga na miyembro ng Abu Sayyaf.



"Imagine, sampung taong gulang na bata, imbes na nag-aaral...imbes na hawak niya lapis o papel, ang hawak niya isang baril.

"Dito nga, ang pinakatrabaho ng bata, siya ang taga-charge ng mga cell phones ng mga Abu Sayyaf para pang-negotiate sa ransom money. Makikita n'yo sa pelikula, ang bata ang nagligtas sa character ko."



Sa pelikulang ito, si Martin delos Santos ang gumanap na Shihab, isang Tausug boy na pamangkin ng Abu Sayyaf head.

Naatasan si Shihab na i-charge ang mga cell phone na ginagamit ng mga rebelde para tawagan ang network executive, played by Shamaine Buencamino, na nakikipag-negotiate para mapakawalan ang media persons.

Si Bombi Plata naman ang gumanap bilang kasamahan ni Mon na cameraman.



Tumatakbo ang Tausug boy sa gubat at tumatawid ng mga sapa upang marating ang isang bahay kunsaan puwede siyang mag-charge ng cell phone. Subalit maiipit siya dahil sa loyalty niya sa kanyang tito at sa affection niya para sa kidnapped journalist.



Sa totoong buhay, ano ang nangyari sa naturang "tsardyer boy" na siyang naging basehan ng pelikula na ito?

"Nakakalungkot nga po kasi yung totoong bata, namatay sa engkwentro ng mga rebelde," ani Mon.

"Kaya ganun rin po ang makikita dito sa Tsardyer. Masasabi natin true-to-life story ito ng bata, hindi ni Ma'am Ces."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • Bb_cotabato

    11/16/2010 | 03:23 PM
    i watched TSARDYER! 2 thumbs up great direction great actors especially mon confiado, dimples romana, shamaine centenera and the boy who played shihab congratulations
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Gandarra22

    11/16/2010 | 02:48 PM
    Magaling na aktor itong si Mon Confiado. Sinusubaybayan ko ang kanyang acting. Mahusay! Nakita ko sya sa Shangrila.. gwapo pala sya in person
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Bongga_kadayy

    11/14/2010 | 02:02 PM
    Pero teka.... Bakit nadawit name ni ate Ces Drillon dito sa Tarsier?...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Bongga_kadayy

    11/14/2010 | 02:01 PM
    Sa wakas!... May movie na rin about the smallest monkey in the world... Ang Tarsier!...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Bongga_kadayy

    11/14/2010 | 01:42 PM
    Ay naunahan ako!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    11/14/2010 | 09:49 AM
    gusto ko rin mapanood ang palabas na iyo..subrang hirap tlga doon diosko po! inang ko po! lalo nat my bakbakan na mabibingi ka..at makalimutan mong my araw pa pala kinabukasan.tungkol sa mga reporter n nakkidnap ,no mercy, doon pasalamt nlng at ligtas clang lahat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About