Si Pauleen Luna ang gaganap na kontrabida sa bagong primetime series na pagbibidahan ni Heart Evangelista sa GMA-7, ang Dwarfina.
"First time kong magiging kontrabida kay Heart. So, that's something to look forward [to]," banggit ni Pauleen sa taped interview sa kanya ng Startalk na ipinalabas kahapon, November 13.
Unang beses nagkasama sina Pauleen at Heart sa telefantsya na Luna Mystika.
Dapat sana ay ipalalabas ang Dwarfina bago matapos ang taong ito pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal), na-move ito sa January 2011 bilang isa sa opening salvo ng Kapuso network.
Very sexy raw ang magiging costume ni Pauleen sa upcoming fantaserye ng Kapuso network.
"Oo nga, bawal kumain!" natatawa niyang sabi.
"I've been working out a lot. As much as possible, of course, you want to give justice do'n sa damit na designed sa 'yo ng designer."
WORKING WITH DENNIS TRILLO. Bukod kay Heart, muli ring makakatrabaho ni Pauleen sa Dwarfina ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo. Nagkaroon ng ugnayan ang dalawa habang ginagawa nila ang romantic-comedy series na Adik Sa 'Yo, pero pagkatapos ng serye ay natapos din ang kanilang relasyon.
Wala naman daw magiging problema kay Pauleen kung magkasama silang muli ni Dennis dahil matagal na nangyari ang pagkaka-relasyon nila.
"It's been a year and a half!" sabi niya. "So, I don't see anything wrong with that.
"At saka, kapag nagge-guest naman siya sa Eat Bulaga!, nagkakausap naman kami kahit konti. So, I'm good with that."
RIFT WITH CRISTINE REYES. Dahil sa pagsasama nina Pauleen at Dennis sa isang soap, naungkat na naman ang iringan sa pagitan ng young actress at ni Cristine Reyes. Ex-girlfriend din ni Dennis si Cristine.
May intriga kasing si Pauleen daw ang pinatatamaan ni Cristine sa mga tweets nito sa Twitter.
Pero sagot naman ni Pauleen sa isyung ito, "I don't look at her page. Ayoko na lang. Nakaka-bad vibes.
"I'm living my life na parang I don't see anything, I don't hear anything. Yun na lang."
Pero depensa naman ng mga kampi kay Cristine, ang mga tweet daw nito ay bilang sagot lang sa mga naging pahayag ni Pauleen nang mag-guest ito kamakailan sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi. (CLICK HERE to read related story.)






Hoy mahiyahiya ka nga sa balat mo...babaliktarin mo pang palengkera ang mga kapamilya samantalang kayong mga kapus ang orig palengkera...tsura nito, c klaw klaw ang umaaway k Angelica and not d other way around! Magbasa basa ka nga!!!
pinagtatawanan na lang kayo ni Jennylyn noh!
kakahiya kayo!
Kung di ka kasi nag-comment about the past, tapos na sana iyon. Kaya huwag ka nang magtaka. Ang nakatapat mo eh palaban ding gaya mo.
di ka pla sinungaling, sana nag madre k nlng ikaw na ang walang bahid. ahaha