Bukod sa naging tagumpay ni Manny Pacquiao laban sa Mexican boxer na si Antonio Margarito, naging agaw-eksena ang balitang hinimatay ang ina ng Pambansang Kamao, na si Mommy Dionisia, sa loob mismo ng Cowboys Stadium sa Arlington, Texas, kung saan ginanap ang laban ng anak niya.
Hindi raw kasi nakayanan ni Mommy Dionisia na makita ang kanyang anak na natatamaan ng mga suntok ni Margarito.
Pero nang makausap ng Showbiz Central si Mommy Dionisia kahapon, November 14, via phone patch, ay medyo maayos na ang boses nito.
"Magandang hapon diyan...hapon na diyan?" bungad nito.
"A, Rufa, nami-miss na kita, Rufa," dagdag pa nito nang malamang isa si Rufa Mae Quinto sa mga nag-i-interview sa kanya.
Kinumusta ni Rufa Mae ang kalagayan ni Mommy Dionisia.
"Okay naman, hindi na masyadong nahihilo," sagot ng ina ni Manny.
Kuwento pa niya, "Nahilo talaga ako, Rufa. Kanina nakita ko ang anak ko, natamaan na ano.
"Sabi nga ng manager ko, adviser ko, bakit daw ako nanood pa, dapat daw nagpaiwan na lang ako sa hotel.
"'Ay, huwag na lang kayong humarap sa laban ni Manny!' sabi niya. Sabi ko, 'Kaya ko 'to, kaya ko.'
"Nakita ko natamaan si Manny sa... Isa lang nakita ko, tinamaan sa right side ng ano..."
Dati na raw siyang ninenerbiyos kapag may laban si Manny.
"Ako, oo, kaya nga, ito lang ang naharap kong medyo malaki ang kalaban niya, malaki pa sa timbang.
"Hindi, nerbiyos lang... Naawa ako sa anak ko nang tamaaan," sabi ni Mommy Dionisia.
Habang kausap ng Showbiz Central si Mommy Dionisia ay nasa hotel room na siya. Pero hindi pa raw sila ulit nagkikita ng anak niya after the fight.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
38 trinoma_rat
37 MzNJ
36 pusotisipmo
35 pusotisipmo
34 mafi_muk
I'm sure kamukha mo si Aling Dionisia kasi Asar Talo ka . Ganyan talaga pag inaapi mga Lahi nyo ' Wag ganun comments lang DAY ' jokla ka no ? joke joke joke ,para naman masaya dito . Buti pa humingi ka Balato ok. Peace!
33 litalitz
32 magandaako11
31 tili_2death
30 sleepingchild
29 flingking
28 Bongga_kadayy
mafi_muk
November 16, 2010
00:04 AM
Ask ko lang , bakit ang damin na pera ni Manny bakit hindi kaya ni Vicky Belo na i-reconstruct ang Muka ni Aling Dionisia ? Aba naging kamuka nya si si Margarito ng matapos laban . Buti pa seguro mag Join Forces sila Vicky at Manny Calayan ' ano sa tingin nyo ?
Ako sa tingin ko?...mukha mo kaya ang ipa-reconstruct mo?...wag kang matakot sa salamin! Humarap ka!...o now ano nakikita mo?... Di ba kabayo?...hahaha...tsura nito! Pakialaman ba mukha ni mommy dionesia...syolbog!
27 beacarino
26 mafi_muk
25 pepato
Save him before it's too late.
24 mycomment
23 Bongga_kadayy
22 Bongga_kadayy
21 queenie15
20 adoboabogado
19 ubec_ct_mom
more comments