Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Krista Arrieta Kleiner—ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss International 2010 beauty pageant—sa MyxMo concert kagabi, November 18, na ginanap sa SM Mall of Asia Concert Grounds.
Kakauwi pa lamang ni Krista two days ago mula sa China, kung saan ginanap ang Miss International noong November 7.
Naging isa sa early favorites si Krista during the pageant. Nakapasok siya sa Top 15 at naiuwi ang special awards na Miss Expressive at Miss Talent. Siya lang ang nag-iisang candidate na nakakuha ng dalawang special awards.
"I'm very excited na yung title na nakuha ko is Miss Expressive and Miss Talent. This is something that we could be proud of.
"This means that we Filipinos can show what we've got. That we can communicate our ideas well and that our talent and skills can compete globally," sabi ni Krista tungkol sa kanyang special awards.
Para sa talent portion, pinerform ni Krista ang kantang "Beauty Queen," na original composition ng kanyang boyfriend na si Jay-R.
ALSO A WINNER. Ang itinanghal na Miss International 2010 ay ang kandidata mula sa Venezuela. First runner-up ang Thailand at 2nd runner-up ang China.
Hindi man nakamit ni Krista ang korona, masaya pa rin siya dahil sa mga papuri na natanggap niya mula sa ibang mga kandidata.
Kuwento niya, "I was approached by other candidates and they said, "Miss Philippines is our favorite, our wonder woman, our hero!' Ako, parang, 'Seryoso, sinabi nila 'yon?'"
Dagdag pa ni Krista, sobrang nakakataba ng puso na ma-appreciate ng kapwa niya contestants.
Although naging masaya ang kanyang naging relasyon sa ibang contestants, inamin ni Krista na hindi naging madali ang pagsali sa Miss International.
"It is very tiring. We had to wake up at 6 a.m. to do our hair and makeup. The only time they provide for it is for the parade, pero ang dami namin. So, the whole time I was there, I did my own hair and makeup, which was part naman of my training.
"It took a month na walang maayos na tulog, hindi nakakaintindi yung mga tao, nasa harap lagi ng media... But you still have to be beautiful, be nice and everything.
"Akala ko hindi ko talaga yun magagawa. But what really made the difference for me was that we had a really good group," kuwento ng 21-year-old Filipino-American beauty queen.
BAD EXPERIENCE. Naging maayos naman ang lahat, ayon kay Krista, maliban lang nang matapos na ang pageant night.





Nilalason na nga nila ang buong mundo sa mga produkto nilang walang standard. Why should I trust that country? Pagbumibile, nagsho shopping sigurado kong hindi Made in China.Pinagaganda nila ang Xiamen, Shanghai, Beijing ng mga malalaki at matataas na gusali--I am not impressed.Ang Shanghai yata nuon kapanahunan ni Mahoma ay tinaguriang Paris of the Orient or Paris of the East. Sayang talaga.
Tama ka dyan. Numero uno ang mga Intsik sa kalukuhan at hindi nila alam ang ibig sabihin ng freedom, human rights at respeto. Kaya mga Filipino huwag kayong paloko sa mga Chinese,..LOL
===
ako din hindi makapaniwala! LOL!