"Siguro, give lang what's mine and baka maging okay kami. Hindi kami magiging friends, pero siguro mawawalan na siya ng pag-iisipan gabi-gabi," says Nina on how things will be settled between her and ex-boyfriend Nyoy Volante.

 

Photo: Noel B. Orsal

Isa sa mga nag-perform sa MyxMo concert kagabi, November 18, sa SM Mall of Asia Concert Grounds, ay ang Soul Siren na si Nina.

Interesting din na naroon noong gabing iyon ang dalawang lalaking minsan ay naging parte ng kanyang buhay: sina Jimmy Bondoc at Nyoy Volante.

Nang tanungin si Nina ng PEP at ng ilang miyembro ng media kung nakita na niya si Nyoy, malaman ang naging tugon nito:

"I can't see him. I don't have the eyes for that. But I saw Jimmy Bondoc."

ON NYOY. Hindi naging maayos ang breakup nang idemanda ni Nina si Nyoy dahil diumano sa utang ng mga magulang ni Nyoy, na sina Oliver and Angeline Volante. Hanggang ngayon daw ay hindi pa ito nababayaran. (CLICK here to read related story.)

Mainstay sa Sunday musical-variety show na ASAP XV si Nina, samantalang madalas mag-guest dito si Nyoy. Nagbabatian ba sila kapag nagkakasalubong?

"Hindi naman kami friends, e. Bakit pa kami magbabatian?" sagot ng Soul Siren.

Dagdag niya, "Ayaw naman natin ng plastikan. Ako, ayaw ko ng plastikan, bakit pa magha-hi?"

Wala bang chance na maging magkaibigan silang dalawa?

"No, never!" mabilis niyang sagot.

THE CASE. Kinumusta rin ng PEP kay Nina ang tungkol sa kaso na isinampa niya sa mga magulang ni Nyoy.

"Four counts of estafa ang kanyang parents. So, panalo tayo," aniya.

Sa panayam ng PEP kay Nyoy noong November 4, nabanggit nito na hindi na dapat pinag-uusapan at nilalabas sa media ang mga kaso dahil nasa korte na. (CLICK here to read related story.)

Ano ang reaksiyon dito ni Nina?

"Totoo, totoo, pag walang naaagrabyado. Pero ako yung naagrabyado," mariin niyang sabi.