Talagang pinatunayan ni Ai-Ai delas Alas na siya ang nag-iisang Comedy Concert Queen sa bansa. Dinaos sa Araneta Coliseum noong Biyernes, Nobyembre 19, ang kanyang 20th anniversary concert na pinamagatang Akin ang Tronong 'To, Hoy, Hari at Reyna ng Showbiz ang mga Guests ko!
Halos mapuno ang Araneta Coliseum sa dami ng mga fans na dumalo sa concert ni Ai-Ai. Nakita sa audience ang mga artista at kaibigan niya katulad ni John "Sweet" Lapus, Eugene Domingo, Direk Wenn Deramas at DJ Durano.
Magkatabi naman sa upuan sina Aga Muhlach at ang kanyang kabiyak na si Charlene Gonzales. Nandun din ang idol na idol ni Ai-Ai, ang Star for All Seasons at Batangas Governor, Vilma Santos.
Nanood rin sa naturang concert ang mga ABS-CBN executives na sina Ms. Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, Linggit Tan, Malou Santos ng Star Cinema, Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto.
Sa simula pa lang ng concert, naghihiyawahan na ang mga fans paglabas ng Comedy Concert Queen suot ang kanyang puting kapa na may pagkalaki-laking cross na nakasabit sa kanyang leeg.
Lalong lumakas ang tilian nang ibukas ni Ai-Ai ang kanyang kapa at kita ang kanyang mala-tanggang suot. Aniya, "O, sample pa lang 'yan ha! Mamaya ko na ipakikita yung iba," sabay tawa.
Kitang-kita ang energy ni Ai-Ai sa kanyang opening number na "Believe" kasama ang G-Force.
Tatlong beses siya nagpalit ng damit para lang sa kanyang opening number kunsaan kinanta niya ang mga Lady Gaga songs kasama ang sikat na sikat na "Bad Romance."
Nagpalit ng magagandang damit si Ai-Ai sa gilid ng stage na may tabing, pero patuloy ang kanyang pagsasalita at pagpapatawa para maaliw ang audience.
SING-ALONG WITH AI-AI. Nagulat ang lahat nang lumabas si Ai-Ai na suot ang mala-reynang damit niya at may korona pa.
Tinawag niya ang mga lalaking dala-dala ang kanyang trono sabay sambit ng, "Halika kayo mga alagad ko, dalian pag di n'yo dinalian sige, ibubuko kong malalaki ang inyong katawan pero maliit ang inyong bird."
Inikot ang komedyana sa buong patron area ng Araneta Coliseum habang pinakanta ang mga piling bisita sa kanyang segment na tinawag na "Sing-Along time with Ai-Ai."
At siyempre, hindi nakaligtas ang mga sikat na artista na dumalo sa gabing iyon. Una niyang nilapitan si Aga Muhlach para pakantahin.
Isinunod si Eugene Domingo na pabirong sinabunutan pa ni Ai-Ai sabay sabi ng, "Kunwari ka pang aayaw-ayaw, kakanta ka rin naman pala."
Nilagpasan niya si Direk Wenn, ngunit binigay niya ang mikropono kay DJ Durano na bigay na bigay naman sa pagkanta.
Tilian ang lahat nang lapitan ni Ai-Ai ang kanyang idol na si Ate Vi. Sabi pa ng Star for All Seasons, "Pwede bang ikaw na lang kumanta at sasayaw na lang ako?"
Siyempre kumanta si Ai-Ai at sumayaw ni Ate Vi ngunit noong bandang huli, napakanta rin niya nang kaunti si Ate Vi na kinatuwa ng mga fans.
Niyakap at hinalikan ni Ate Vi si Ai matapos ang kanta, na siyang dahilan kung bakit napaluha ang komedyana.
VIDEO TRIBUTE. Sa bawat gap ng programa ay napapakita sa video ang mga kaibigang artista ni Ai-Ai, na nagsasalita tungkol sa komedyana. Kasama rin sa pinakita ang 12 Steps at Sikreto daw ni Ai-Ai sa pagiging successful artist.
Kasama sa mga nagsalita sina Arnel Ignacio, Allan K, Tessie Tomas, Kay Brosas, Pokwang, Jayson Gaiza, Pooh, Vice Ganda, Ariel Ureta at siyempre, ang kanyang ama-amahan at manager na si Tito Boy Abunda.
Talagang kakaiba ang concert na ito dahil napakanta ni Ai-Ai ang The CompanY ng kwela at double meaning na mga kanta tulad ng "Ibaon mo sa Limot" at "Banana" na may matching dance number pa na hawak ang plastic na saging.
Nagpasalamat si Ai-Ai sa mga kaibigan niyang bakla, pero para maiba naman daw ay pasasalamatan din niya ang mga "bumblebee" o mga tomboy.
Pinataas niya ng kamay ang mga tomboy sa audience at tinawag niya ang mga ito sa stage, ngunit iisa lang ang lumapit at naglakas loob na pumunta upang bigay na makipagkantahan at makipaglokohan kay Ai-Ai.
ASIA' S SONGBIRD VS CONCERT COMEDY QUEEN. Tilian ang mga tao nang lumabas si Regine Velasquez suot ang puting gown.
Sambit ni Ai-Ai, "Wow, naman ate, puting-puti ang suot mo. Handang-handa ka na talaga sa iyong kasal, ah. Sigurado ka na ba? Pag-isipan mo muna 'te."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
33 peace2all
32 rom_05
31 pusotisipmo
30 tili_2death
29 liwayway
...Wala naman akong balak tirahin siya. Isip ko, nagkakaintindihan kaming dalawa. In fact, nagbiruan pa nga kami ni Ai-Ai after that.”
About Kung Ako Na Lang Sana, theme song of her and Aga’s Star Cinema movie of the same title.
“It was Malou who requested for that song. But Homer Flores, the musical director and the guitarist
didn’t have the arrangement so I sang another song.”
Doesn’t Sharon think that she owes maybe not Aga but the audience an apology for a joke that was misunderstood and therefore taken seriously?
“I’m really sorry for that.”
After all is said and done, does she still consider Aga a friend?
“Oo naman,” said Sharon. “First thing this morning, I texted him a message when I realized that I must have hurt him.”
28 liwayway
...bidding the show farewell. “He declined,” said Sharon. “That would have meant so much to me dahil masakit ‘yung mawawala ang show mo, di ba?”
And that Friday night, Sharon said it hurt her even more that Aga “Kasama pa si Charlene” would take time out to be at the Big Dome when he totally ignored Sharon’s concert last August in the same venue. “So I really felt bad,” explained Sharon. “Feeling ko, ‘Wow, nakaka-inggit naman si Ai-Ai dahil present silang dalawa ni Charlene.’ Ang dami kong pinagdadaanan noon and the presence of my friends in the audience would have made me feel better. When I called to invite him, he didn’t commit himself; all he said was, ‘Basta galingan mo.’ I said, ‘Pero pupunta kayo.’ He repeated, ‘Basta, galingan mo’.”
So when she snubbed Aga that night, Sharon said that she meant it as a joke although the audience mistook it for something serious.
“Joke talaga ‘yon between him sana and me. Wala naman akon
27 liwayway
...dahil alangan naman na mukha kaming mag-ina. Maybe Aga wanted mga bagets na leading lady at ayaw niya lang sabihin sa akin. Why can’t he tell me straight kung ayaw niya, di ba?”
Of course, Sharon said that she felt bad when she learned that Aga has agreed to do a movie with Lea who was also among Ai-Ai’s guest performers together with Christopher de Leon and Regine Velasquez.
“To make a long story short,” Sharon added, “matagal na akong na-i-insulto. I kept things to myself. Ang pangit namang sabihin na niri-reject n’ya ako? Hindi naman ako isang starlet, di ba? We’re supposed to be friends. Bakit hindi niya sabihin sa akin?”
There are other reasons.
Sharon said that when her eponymous ABS-CBN show was closing, her staff invited Aga “Since he’s one of my friends in the business – ilan lang naman silang talagang close sa akin” to be among those who would say something on videotape as a form of bidding the show
26 liwayway
Yes, Sharon admitted, she does have a little “sama ng loob” or “tampong kaibigan” against Aga and it’s because of more than just the abortive movie project that just might land on the lap of Lea Salonga as her and Aga’s second team-up after Sana Maulit Muli.
“I felt that Aga has been taking me for granted,” said Sharon on the brink of tears. “He wouldn’t even say if he wanted to still do the movie or not, he kept only on saying, ‘Okay, okay!’ Look, at Star Cinema the only two leading men left na bagay sa akin are Aga and Gabby Concepcion dahil si Richard Gomez ay nasa ibang company na. If my weight is the problem, at pareho naman kami ni Aga na mataba, I could work double time to lose weight especially since love story siguro ang gagawin namin. Yung movie namin ni Gabby is horror, not a love story, so Malou Santos, Star Cinema supervising producer told me na okey lang na mataba ako. Pero if I would do a movie with Aga, magpapapayat talaga ako dahil alangan
25 pusotisipmo
24 pusotisipmo
23 Discerning_Viewer
22 lawrenzo
CLAP!
isa lang lol!
21 thorns_143
gingersnap
November 23, 2010
07:35 AM
hala! halos puno daw ang araneta? eh mismong si boy abunda ang nag confirm last sunday sa the buzz na konti nga ang nanood.
---------------------------------------
i watched the buzz and boy abunda quoted na hindi napuno yung concert but it was one of ai-ai's best.
Hindi sinabi ni boy na konti ang nanuod, instead hindi napuno.
20 honeybadger
lifeditoca
November 23, 2010
09:29 AM
honeybadger...
sinong me sabi sa iyong di friend ni Kris si Sharon. palpak ang info mo iha! sinong kawawa? hahahahahaha!
===
ikaw pala ang kawawa kasi wala naman akong binanggit na name. waaaaaaah! what a pathetic loser! nyahahaha!
19 todonaito
18 kiwipinay
bakit walang balita ang pep ng ganun tungkol dito?
17 lifeditoca
sinong me sabi sa iyong di friend ni Kris si Sharon. palpak ang info mo iha! sinong kawawa? hahahahahaha!
16 gingersnap
15 adoboabogado
14 geraldethel
more comments