Marami ang nabigla at nagtaas ng kilay nang tawagin ni Hayden Kho si Senator Bong Revilla na "narrow-minded" sa live interview ng dating cosmetic surgeon sa Paparazzi noong Linggo, November 21.
Nag-react si Hayden sa sinabi ni Senator Bong na mabilis makalimot ang mga tao sa ginawa ng nadisbar na doktor. Ang tinutukoy ng actor-politician ay ang sex-video scandal ni Hayden na naging national issue.
Ngayon kasi ay nasa limelight na naman si Hayden, hindi dahil sa kontrobersiya, kundi sa inilunsad niyang perfume line.
Hindi pa nagbibigay ng reaksiyon si Senator Bong sa sinabing ito ni Hayden, at ang misis naman niyang si Bacoor Congresswoman Lani Mercado ay ayaw nang patulan pa ang isyu.
"Ako, I have a lot of things to do than to pay attention to him. So, pabayaan na lang natin siya. Huwag na lang," nakangiting sagot ng actress-politician nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 24.
Nag-attend si Lani ng opening at inauguration ng ika-apat na branch ng Dr. Nina Rodil de Luna's Dental Focus sa SM South Mall sa Las Piñas.
So, parang deadma na lang siya?
"Oo, huwag na, huwag na lang," sagot niya.
Paliwanag pa ng mambabatas, "I belong to the Committee on Women, and I am against anything that has to do with harassment and violence against women, so I'm against that.
"So, kung anuman iyong problema ni Hayden ay nasa korte na iyan. Let the court decide, huwag na nating... let justice take its course.
"Alam naman natin... Huwag sanang mabura sa isipan ng mga mamamayan na mayroon siyang [Hayden] nagawa at dapat niya itong pagbayaran," ani Lani.
Ano ba ang reaction ni Senator Bong tungkol sa pagtawag ni Hayden sa kanya na "narrow-minded?"
"Ayaw din po niyang mag-react, e. Marami kasi kaming pinagkakaabalahang ibang bagay. [There's no need] to focus attention on one person," sabi ni Lani.
PUBLIC SERVANT. Nausisa rin ng PEP ang mga naging pagbabago sa buhay ni Lani mula nang nahalal siya na representative ng Bacoor, Cavite.
"Well, iba ang pagiging public servant, may office time ka, plus, of course, I formulate laws. So, iba talaga ang buhay dito, totally different from showbiz," nakangiti niyang sabi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
47 Fabe
46 Charminguts
Pclaudine03
November 25, 2010
07:05 AM so Lani...go ahead at ipakulong mo na si Bong for abusing you emotionally n mentally over and over again!!! Baka nga pati si Halili ay naikama na ng asawa mo kaya't very protective hahaha
natukoy mo ahahahahahahaha
45 tili_2death
44 esperancilla
43 mark67
I hope nobody buys his line-------
People, please be conscientious!!!!
42 stubbiz
41 Pclaudine03
40 ehemm
bong revilla is not narrow-minded. he is self-righteous. a hypocrite Lols
39 Pclaudine03
38 Pclaudine03
37 Pclaudine03
36 rui
35 liwayway
pag nagsalita si bong, his wife is the best blah-blah-blah, yet nonstop ang parada ng mga babae niya.
34 pinoymeast
33 jcp84
32 piejam001
31 jjjohn
30 septborn85
29 dannymaclan
28 baracuda00
more comments