"Nakakatawa... Kasi out of the blue, PJ has been talking to the media about Carla's relationship with Geoff. Puwede naman niyang makausap si Carla nang personal, e. Bakit kailangan na sabihin pa niya 'yan sa TV?" says former commercial model-actress Rea Reyes about ex-husband Rey "PJ" Abellana's comments on their daughter's career and love life.

Photo: Ruel J. Mendoza & Noel Orsal

Sa kasalukuyang pagsasalita ng aktor na si Rey "PJ" Abellana tungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak na si Carla Abellana kay Geoff Eigenmann, naging tahimik lang ang ina ng young actress—ang dating commercial model at TV actress na si Rea Reyes.

Pero nagpaunlak ng interview si Rea sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 24, para malaman ng publiko ang kanyang saloobin sa nangyayari ngayon kay Carla at sa ama nito.

Matagal nang hiwalay sina Rea at PJ.

Nagugulat na lang daw si Rea sa mga lumalabas na mga interview ni PJ tungkol sa career at pati na ang lovelife ni Carla. Nabibigyan tuloy ng hindi magagandang reaction ang pakikialam nito sa mga desisyon ng kanilang anak.

"Hindi ko pa naman napanood yung interview niya sa TV. May nagsabi lang sa akin about it," simula ni Rea nang makausap siya ng PEP sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XII, kunsaan kasama sa cast si Carla, sa Imperial Palace Suites.

Patuloy niya, "Lumalabas kasi na he [PJ] wants to be consulted when it comes to Carla's decision. Lalo raw ngayon that Carla is in showbiz. He just wants to protect her, kaya sana raw alam niya ang mga nangyayari.

"Ako naman kasi, bilang ina ni Carla, nandoon din ang concern ko sa kanya. I also want to protect her and know what her decisions are.

"But being the parent who really saw her grow up, alam ko when my child is doing the right thing or when she's doing something wrong.

"I raised my kids na puno sila ng mga pangaral sa buhay.

"Alam ko that Carla will always make the right decision for herself.

"I may [question] her on some things, but I will not make the final decision for her.

"Carla is already 24 years old and she's responsible enough for her decisions.

"Buhay na 'yan ng anak ko. She can do what she wants.

"Alam ko that she will make the right decisions. Ganyan ako magtiwala sa mga anak ko."