Willie Revillame on ABS-CBN's copyright infringement case against Willing Willie: "Kung hindi ma-TRO 'to, hindi ako titigilan ng mga 'yan."

Mark Angelo Ching
Monday, November 29, 2010 @ 09:35PM  |  781 views

Willie Revillame insists that he is hosting Willing Willie for the masses who watch his TV program.

 

 "Ang problema dito yung mga taong pinapasaya namin, hindi kami... Dun ako concerned, e. Kung ako, yung scout namin, siyempre kahit papaano may trabaho kami, yung mga crew namin. Pero lahat talaga pag nahinto ng TRO 'to, lahat ng scout, lahat ng crew, lahat ng mga umaasa sa programa e mawawalan ng trabaho. At lalong-lalo na yung mga umaasa sa amin sa gabi-gabi," he says.

 

Photo By: Noel B. Orsal













Live na nagpa-interview ang kontrobersiyal na TV host na si Willie Revillame kahapon, Nobyembre 28, sa espesyal na edisyon ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5.

Dito ay nagbigay ng saloobin si Willie sa P127-million copyright infringement case na isinampa ng ABS-CBN laban sa kanya noong Nobyembre 24 sa Makati Regional Trial Court. (CLICK HERE to read related story.)

Naka-pambahay na damit lamang si Willie habang nagpapa-interview sa kanyang bahay sa Ayala Heights, Quezon City.

Dalawa ang naghatid ng mga tanong sa kanya: ang TV5 reporter na si MJ Marfori na dumayo sa bahay ni Willie, at ang showbiz commentator na si Cristy Fermin, na nasa isang studio ng TV5 sa Novaliches.

Seryoso at mahinahon ang tono ng pananalita ni Willie sa kabuuan ng panayam, bagamat may mga pagkakataong nangilid ang kanyang mga luha. Tumagal ng halos sampung minuto ang panayam na ito.

Si Willie ay ang host ng Willing Willie, ang primetime variety at game show sa TV5 na ipinapalabas mula Lunes hanggang Sabado ng gabi. Dati siyang host ng Wowowee, ang dating noontime variety show sa ABS-CBN.

Nabigong mapigilan ng ABS-CBN ang pag-eere ng TV5 sa Willing Willie. Hindi pinayagan ng hukuman ang petisyon ng Kapamilya network na agarang hainan ang nasabing programa ng temporary restraining order (TRO).

Ayon sa network, hindi maaaring magkaroon ng ibang programa si Willie sa ibang network dahil naka-kontrata ito sa kanila hanggang sa isang taon. Hindi naman nakita ng hukuman ang sinasabi ng network na "urgency" para agad ibigay ang desisyon ng korte.

HINDI MAINTINDIHAN. Pagbubungad ni Willie sa panayam niya sa Aksyon, nalalabuan daw siya sa ikinikilos ng ABS-CBN, ang TV network na nagbigay sa kanya ng break sa pamamagitan ng Wowowee.

"Di ko maintindihan kung bakit galit na galit sa akin ang ABS-CBN," saad ni Willie.

"Sila naman ang nagtanggal ng programa na Wowowee. Sila naman ang nagsabi sa akin na hindi na ako tanggap ng tao.

"Nag-file sila ng case sa Quezon City, na-junk yung TRO. Yung mataas na korte na, sa Court of Appeals, na-junk yung TRO.

"Kaya sa Makati, hindi ko maintindihan kung bakit lahat na lang yata ng korte sa Pilipinas, e, kakasuhan nila ako. Hindi ko maintindihan kung bakit."

Pahayag pa ni Willie, hindi niya raw nais makipaglabanan sa ABS-CBN.

"Hindi naman 'to paligsahan, hindi naman 'to away ng mga tao, e.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

593 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name