Robi Domingo can only wish to be paired with crush Kim Chiu: "Iba na yung status niya, e. She's really up high there."

Rommel Placente
Thursday, December 02, 2010 @ 01:50PM  |  25624 views

 

"Kung magmamahal man ako, gusto ko yung buong oras ko ibibigay ko sa kanya. Sa ngayon, busy talaga sa school at career. No time pa para sa love life," says Robi Domingo.

Photo By: Allan Sancon













Hindi na napapanood sa music channel na MYX ng Studio 23 si Robi Domingo. Pero hindi naman daw siya tinanggal dito kundi "pinag-graduate" na siya bilang VJ.

"They are looking for a new flavor right now. Kumuha sila ng three great hosts na saludo ako. And proud ako sa kanilang lahat," sabi ni Robi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 1, sa studio ng ABS-CBN pagkatapos ng Shoutout.

Ang Shoutout ang bagong youth-oriented show ng ABS-CBN, kung saan isa sa mga host si Robi.

Pero aminado ang dating Pinoy Big Brother Teen housemate na nalungkot siya sa pagkawala niya sa MYX.

"Sa totoo lang, nalungkot ako nung first few weeks. Masakit kasi, e.

"It's like natanggal ka sa daily routine mo. Pupunta ako ng school, then after school, diretso na ako sa MYX.

"Ayun, parang may butas na sa schedule ko. At mahirap maghanap ng paraan para i-fill in yung gap na yun."

Ganunman, nagpapasalamat pa rin si Robi na naging bahagi siya ng MYX.

"At least MYX has given me a training ground to host, to learn new skills, to hone my skills as a host," sabi niya.

Pero na-depress ba siya sa pagkawala niya sa MYX?

"Sad, yes. Depressed, no," sagot ni Robi.

KIM CHIU. Nang matanong dati si Robi kung sino ang showbiz crush niya, ang sagot niya ay si Kim Chiu. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang paghanga niya sa dalaga.

Magkakilala lang sina Robi at Kim, hindi sila close. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para mapalapit kay Kim?

"Hindi ko pa siya ma-approach sa ngayon, e," nakangiti niyang sabi,

"I think we're both busy with our respective careers, lalo na siya.

1  2  3  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name