Hindi makapaniwala si Vicky Morales na magtatagal ang kanyang show na Wish Ko Lang, ang GMA-7 public-affairs show na may layuning tuparin ang mga kahilingan ng mga manonood.
Ngayong buwan, magdiriwang ng ika-walong taon sa telebisyon ang Wish Ko Lang. Nagsimula ito noong 2002 with Bernadette Sembrano as its original host, at marami-rami na ring katapat na programang napatumba.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Vicky sa isa pocket interview noong Martes, Nobyembre 20, sa executive lounge ng GMA-7.
EIGHT YEARS. Hindi man si Vicky ang naunang host ng show, proud pa rin siya na isa na ito sa mga long-running shows sa Pilipinas.
Kuwento ni Vicky, may nag-predict kasi na hindi tatagal ang Wish Ko Lang.
"May staff na pumuntang manghuhula. Sabi ng manghuhula, hanggang seven years nga lang ang itatagal ng Wish Ko Lang.
"Sabi ko, wow! Tatagal kami hanggang seven years, that's long! Parang hindi ko maisip.
"Ngayon, eight years na tayo. I didn't think that we would actually last for that long," saad niya.
Marami-rami na rin kasi ang mga hit shows na tumapat na sa Wish Ko Lang. Ilan sa mga ito ay ang dating horror series ng ABS-CBN na Nginiiig!, ang wish-granting show ni Willie Revillame na Willingly Yours, ang public affairs program na Failon Ngayon!, at maging ang mga lumang pelikula ni Fernando Poe Jr. na Cinema FPJ.
Ayon kay Vicky, maraming pagkakataon na nag-alala sila dahil natatalo sila sa ratings ng mga show na ito.
"Parang sometimes, iniisip namin, 'Naku, dyusko...' Usually the first few episodes, talagang, 'Paano tayo magre-recover.' Pero after a while, o 'yon," saad ni Vicky.
Dagdag niya, tumagal daw ang Wish Ko Lang dahil mabuti ang hangarin nito.
"Maybe that's the potent effect of Wish Ko Lang.
"Somehow, may suwerte siyang dala because of all the good vibes. Feeling ko, 'yon.
"Kasi sabi ko, it has to be more than what we do in the show. Maybe there's a certain magic."






Nakakaiyak yung simpling tulong na nakamit ng mga nangangailangan. nakakakurot sa puso.
Vicky sana wag nyong i wala ang wish ko lang dahil lang sa rating. Hayaan mo si Willie dyan hindi nga sya umubra sa Eat Bulaga sa Wish ko lang pa.
GMA, Wish Ko Lang suportahan nyo pa ang Wish Ko Lang
LOVE YOU GMA and Vicky Morales!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
I might suggest, the staff of Wish Ko Lang should SEEK the needy, hindi lang yung naghihintay ng senders. Mas maganda kasing panoorin kung at least 4 needies were given help. Minsan kasi, kung dalawa lang per episode, ang tendency ay pahabaiin yung kwento para umabot sa isang oras, which make the show boring and irrelevant. Kung apat per episode, parang sulit panoorin, hindi boring. Kung walang sender, better SEEK the needy. ang dami diyan na may matinding pangangailangan. People will now pray... Wish ko pumunta sa amin ang Wish Ko Lang....
Long live WISH KO LANG. Congrats!
it should be ''letter sender's wish''
i can't help but cry if the letter's sender wish is granted. to the simplest reunion of relatives, seeing one's favorite actor, medical assistance, etc.
tama ka vicki, the most potent factor why the show lasted several years is the good intention.
and you can really feel vicki's sincerity in the way she delivers her spiel. yes, vicki is comparable to a modern day fairy godmother.
congrats!