Actress Camille Prats is happy with the current state of her brother John Prats, who is "dating" singer Rachelle Ann Go.

 

"I really hope that it would all go well for the both of them," Camille tells PEP (Philippine Entertainment Portal) in a recent interview.

Photo: Noel Orsal

Malaking challenge para kay Camille Prats ang gumanap bilang isang kontrabida sa GMA-7 series na Bantatay.

"It's the first time na gumawa ako ng role na kontrabida, so it's also experimental on my part. But then, it's a kontrabida comedy kasi we're dealing with kids.

"So, hindi naman kailangang kontrabidang masama talaga. So, medyo kinu-comedy namin, which I really enjoyed," masayang kuwento ni Camille nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last December 1 sa grand launching ng Caffe Ti-amo sa Greenbelt 5, Makati City.

Bagamat almost three months nang napapanood sa ere ang Bantatay, nag-a-adjust pa rin daw si Camille sa kanyang papel bilang Daisy.

Natural kasi ang pagiging maamo ng facial features ni Camille kaya kailangan niya itong baguhin every time na haharap siya sa kamera.

"Ang hirap! Every second, every scene, kailangan kong um-effort sa hitsura.

"Kasi, hindi ako puwedeng mag-relax, otherwise, I will look mabait.

"So I have to exert an effort na i-tense 'yong muscles ko sa mukha so that I would look bad," paliwanag ng dating child star.

Worth it naman lahat ng pagod at effort dahil so far ay mataas ang nakukuhang rating ng kanilang programa sa early primetime slot nito.

Sa latest data ng AGB Nielsen Philippines noong November 30 ay nagtala ng 11.3 percent ang Bantatay para masungkit ang ikalimang puwesto sa overall ranking ng mga programa sa loob ng primetime bracket. (CLICK HERE to read related article.)

May palagay naman si Camille kung bakit pumatok ang programa sa mga manunood.

"Kasi, very experimental 'yong show, di ba? It's about Bantay [the dog character], na 'yong soul nung daddy nila, pumunta sa kanya.

"So, it was very experimental. But at the same time, makatotohanan.

"Siguro 'yon yung isang dahilan kung bakit mataas ang ratings namin, marami kasi sa atin ang dog lovers and sometimes we just can't resist dogs, lalo na 'pag sobrang cute nila, especially sa case ni Bantay kasi tinutulungan niya talaga 'yong mga anak niya."

STAYING HOME FOR CHRISTMAS. Turning three years old na sa January 5 ang anak ni Camille na si Nathan. Fan daw si Nathan ng Bantatay at balak ng aktres na isama ito one of these days sa taping basta't konti lang ang eksena niya para naman hindi rin mapuyat ang bata.