news

ABS-CBN reveals lineup of shows for 1st quarter of 2011; former Kapuso star Jewel Mische is the new leading lady of Gerald Anderson

by Erwin Santiago posted on December 4, 2010  STATS: 93627 Views | 491 Comments

 

Jewel Mische, a former GMA-7 talent, makes a giant leap by transferring to rival network ABS-CBN. Her first project for the Kapamilya network is the action series Bagwis, where she will be paired with Gerald Anderson.

Photo By: Noel Orsal

Kumpirmadong Kapamilya na ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische.

Matagal-tagal na ring usap-usapan ang tungkol sa paglipat ni Jewel mula sa GMA-7 papunta sa ABS-CBN, bagamat wala pang opisyal na pahayag mula sa young actress at maging sa Star Magic, kung saan nabalitang pumirma siya ng kontrata.

Kagabi, December 3, sa Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment press na ginanap sa Dolphy Theater, pormal nang inanunsiyo ang magiging unang proyekto ni Jewel bilang isang Kapamilya—ang action series na Bagwis.

 

Si Jewel ang magiging leading lady ng isa sa top male stars ngayon ng ABS-CBN—si Gerald Anderson.

Isa ang Bagwis sa mga malalaking shows ng ABS-CBN sa first quarter ng 2011, bagamat ilan sa mga ito ay magsisimula na bago matapos ang 2010.

FRANCHISE SHOWS. Kasama rin sa mga programang naka-lineup sa ABS-CBN next year ang apat na franchise reality-game shows.

Una na rito ang fourth season ng Pinoy Big Brother (PBB), ang reality show mula sa Endemol. Sa PBB nagmula ang ilan sa pinakamalalaking bituin ngayon ng ABS-CBN gaya nina Sam Milby, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Zanjoe Marudo.

Matagal nang nababalita ang Pinoy Big Loser, ang reality show para sa mga "heavyweights" kunsaan tutulungan ng programa ang mga contestant na magbawas ng timbang at magkaroon ng kumpiyansa sa kanilang sarili. Sa wakas ay matutuloy na itong ipalabas sa susunod na taon.

Ang Pinoy Big Loser ay ihu-host ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Aabangan din ng marami ang competitive cooking game show na Junior Master Chef, kunsaan magiging tampok ang mga batang nangangarap na maging chef.

Ang Junior Master Chef ay ihu-host ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos. Ito ang unang regular show niya pagkatapos niyang magsilang sa anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.

Magkakaroon na rin ng Philippine version ang longest-running game show sa U.S., ang The Price Is Right, mula sa FremantleMedia. Nagsimula noong 1956, 54 years nang umeere sa U.S. ang show na ito. Ang mga naging host nito ay sina Bill Cullen, Bob Barker, at ang current host nito na si Drew Carrey.

Dito sa Pilipinas, ang maghahatid ng papremyo at saya sa ating mga kababayan ay si Kris Aquino.

OTHER SHOWS. Ibabalik naman ng ABS-CBN ang Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstar, ang reality-based artista search na tampok ang aspiring child superstars.

Ang maghu-host nito ay si KC Concepcion.

Sina Luis Manzano at Alodia Gosiengfiao naman ang hosts ng gag show na Laugh Out Loud.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

491 Comments

  • 491  jhe_tinkerbell

    12/11/2010 | 12:13 PM
    kaya kasi di nyo napapansin ganda ni jewel kasi ayaw nyo sa GMA..kaya parang ayaw nyo din sa talents nila..tas ngyong lumipat na xa nagustuhan nyo na din..Im sure nmn sisikat ka sa DOS..kasi lahat nmn ng product ng GMA ay may K......tingnan nyo halos lahat ng sikat sa dos e galing sa GMA na kinuha lng ng Dos..peace
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 490  canreadu

    12/09/2010 | 10:16 PM
    Super ganda pala ni Jewel Mische. Dati hindi ko siya pinapansin, pero when I heard na lumipat na siya sa ABS, nagkaroon ako ng interest sa kanya. Another big star in the making, alongside Anne Curtis, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Christine Reyes, etc. na lalong pinasikat ng ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 489  canreadu

    12/09/2010 | 10:02 PM
    Wowwwww!!!!!!! Daming comments. Iba talaga pag world-class Kapamilya, dinadagsa ng comments, constructive man or destructive. Panalo Kapamilya!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 488  mypinkchucks

    12/09/2010 | 01:37 PM
    hahawakan pala siya na Star Magic... well, malaki ang percentage na mag-iimprove siya... pero.. pag hindi pa rin.. ayyy gudlak na lang sa kanya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 487  kanguso007

    12/08/2010 | 11:19 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 486  galadriel829

    12/08/2010 | 04:59 AM
    tsekitita..
    haha.. quot;sarap batuhin ng remote controlquot;
    I LIKE IT LOL. super true dn nman kc. ewan na ewan ang acting
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 485  arienna

    12/07/2010 | 11:47 PM
    good luck sa abs si jewel kasi walang acting binubugbug na nakangiti pa rin...pa cute...napaka OA buti na lang lumipat na sya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 484  shadow009

    12/07/2010 | 10:57 PM
    sana lng wag itapat to nextyear sa DWARFINA ni HEART EVANGELISTA at DENNISE TRILLO, anung laban ng dalawang bida ng bagwis sa AWARD WINNING STARS ng GMA7???.. SA NA ILIHIS NILA PLSS.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 483  sassy_sab

    12/07/2010 | 07:20 PM
    340
    eugeniogozon2

    Congrats Jewel. Promotion ang nagyari sa career mo, from GMA to ABS-CBN.

    Kapag ang artista ng GMA napunta sa ABS-CBN, promotion.
    Kapag ang sikat na artista ng ABS-CBN ang napunta sa GMA, reinvention of career.
    Kapag starlet ng ABS-CBN ay napunta sa GMA, wakas ng career.
    .........................................

    Agree
    From ABS CBN to GMA
    Toni G, Mariel, Sarah G, Jake Cuenca, Valerie Concepcion, Krylle, Iya, Anne Curtis etc

    From GMA to ABS CBN
    Claudine, Marvin, Jolina, Rachelle Ann, Mark Bautista, etc
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 482  sassy_sab

    12/07/2010 | 07:13 PM
    Hindi na sasama si Sarah G sa Bagwis. Ayaw ng manager niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 481  kallyx

    12/06/2010 | 04:49 PM
    Kasama na pala si Sarah Geronimo dito sa Bagwis. Sarah G fanatics wag nyo awayin si Jewel. Kung yung kimerald nga walang kibo kaya manahimik kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 480  tseekitita

    12/06/2010 | 04:27 PM
    anu ba yan ABS kumuha nlang man kayo ng artista sa GMA eh yung sing tamlay ng namayapang ninuno pa ang akting. maganda si jewel mas nagagandahan pa nga ako sa kanya kay sa kay KC kaso lang pag dating sa akting ang lamya parang ang sarap batuhin ng remote control ang TV pag eksena na nya. mas masarap pa panoorin cartoon network jan eh. tsk tsk tsk. oh ayan jewel wag kang umarte jan pag sabihin syo pakita ng cleavage go agad lolz. congrats kay sabel in fairness maganda ang ate mo at mgaling din umarte nung kapareha sila dati ni coco martin sana more projects pa na silang dalawa ang pareha at hindi ang ej perez ba yun. hindi bagay parang may gatas pa sa labi ang hitsura.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 479  eugeniogozon2

    12/06/2010 | 03:19 PM
    Congrats Jewel. Promotion ang nagyari sa career mo, from GMA to ABS-CBN.

    Kapag ang artista ng GMA napunta sa ABS-CBN, promotion.
    Kapag ang sikat na artista ng ABS-CBN ang napunta sa GMA, reinvention of career.
    Kapag starlet ng ABS-CBN ay napunta sa GMA, wakas ng career.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 478  eugeniogozon2

    12/06/2010 | 03:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 477  eugeniogozon2

    12/06/2010 | 03:12 PM
    Machete? Hello. Pang-Wansapanataym lang yan ng ABS-CBN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 476  eugeniogozon2

    12/06/2010 | 03:11 PM
    Dwarfina? Original? Teh, hindi ka ata nagbasa ng Thumbelina nung bata ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 475  pilipino800

    12/06/2010 | 03:05 PM
    syempre ang sahod sa GMA maliit kumpara sa ABS... kAYA mALAKI KITA NILA HAHAHAHA KURIPOT
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 474  gossiphungry

    12/06/2010 | 02:27 PM
    mukhang interesting.. maraming reality show lovers na pinoy.. I watch the US version of Biggest Loser..

    interesting din ang shows ng GMA 7.. esp yung Dwarfina.. its an original.. really interesting..

    plus nasa GMA 7 ang American Idol na magsstart na ulit ng new season this coming January.. awww! really interesting..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 473  marafyah2

    12/06/2010 | 12:53 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 472  sassy_sab

    12/06/2010 | 12:50 PM
    Like! Like! Like!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About