Sa pagtatapos ng Survivor Philippines Celebrity Showdown, pinatunayan ng Brazilian-Japanese model turned actor na si Akihiro Sato na kayang madeklarang Sole Survivor gamit ang puso at mabuting hangarin.
Si Akihiro, o Aki sa kanyang mga kaibigan, ang idineklarang winner sa third season ng Kapuso hit realty show na Survivor Philippines.
Live na nai-broadcast ang finale mula sa Studio 5 ng GMA-7 kagabi, Disyembre 3.
THE FINAL FOUR. Apat na castaways ang nakarating sa finale. Bukod kay Aki, sila ay ang dating sexy actress na si Aubrey Miles, ang basketball player at model na si Ervic Vijandre, at ang model at make-up artist na si Solenn Heussaff.
Sa Final 4, si Aki ang pinakagusto ng mga manonood. Sa katunayan, siya ang nanguna sa poll na ginawa rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa tanong kung sino ang karapat-dapat manalo sa Final 4.
Sa apat kasing finalists, si Aki ang sinasabing "Mr. Nice Guy."
Ayon sa mga masugid na manonood ng Survivor, walang sinirang alliance at walang tinraydor na kapwa castaway si Akihiro.
Bagamat inakusahan siya ng kapwa niya finalists na sina Aubrey at Ervic ng paglalaro rin ng madumi dahil sa pakikipag-areglo raw sa kanila sa likod ng kamera. Pero mariin naman itong pinabulaanan ni Aki.
Si Aubrey naman ang tinawag na "Pasimuno" sa season na ito dahil siya ang nagplano ng boot order, o kung sino ang dapat na matanggal tuwing Tribal Council.
Si Ervic naman ang naging kanang-kamay ni Aubrey at tinaguriang "The Player."
Si Solenn—na tinaguriang "Diwata ng Isla"—ay nagkaroon naman ng iba't ibang alliances, na isa-isa ring nasira dahil sa pagtalikod niya sa mga ito.
"Nice guy" rin ang tingin ng karamihan ng Jury kay Aki.
Ang jury ang bumoto para malaman kung sino ang magiging Sole Survivor, at binubuo ito ng mga natanggal ng castaways.
Kasama sa Jury sina Jon Hall, Aira Bermudez, Michelle Madrigal, Ahron Villena, Elma Muros, at Moi Marcampo. Huling nasama sa jury si Aubrey, na natanggal dahil sa Final 4 twist ng season na ito.
LIVE FINALE. Sa pagsisimula ng live finale ay binasa ng host na si Richard Gutierrez ang mga boto kung sino ang magiging ika-pito at huling miyembro ng Jury.
Parehong nakakuha ng tatlong boto sina Aubrey at Akihiro, samantalang tigda-dalawa naman sina Ervic at Solenn.






You deserve to win more than anyone else in the top 4!
sa dami ng ibibigay mong example, american idol pa? ang mga sumasali dun, yun mga may talent, dadaan sa butas ng karayom yun para makapasok... Para makasali ka sa ganon, dapat american citizen ka. may pilipino bang citizen na nakapasok sa american idol? Mga american citizen yun, may greencard na, may talent pa.
Survivor ito... wag mong sabihin nagaudition si Aki sa survivor philippines para makapasok, anong talent? Acting? hehehe!
May selection committee, may mga manager magsusuggest para kunin ang mga alaga nila... Ogag ang mga selection committe.. Di ka ba nagtataka kung bakit sila john, michelle with aubrey ang mga kasama dyan... may naiisip sila which imbes na mas intriguuing, nakagulo lang. Bakit si Moi and Myka, may naisip din sila. which imbes na entertaining, natuwa ka ba? etc etc etc
Puede, pakibasa ulit amg mga comment ko para accurate ang comment mo...
Ang sabi ko ang mga nagsali, hindi ang mga nakasali.
The selection of castaway... sumobra sa mga foreigner. Kung nasa marketing ka, iniisip mo ang mga isasali.. John? Solenn? Aki? Aubrey? Kung speaker ka, di kaya mabored, antukin, worst, magalisan isa isa kung salita ka ng salita na ang audience mo ay mga pinoy... Ok lang sana kung sa late evening nilagay eh. Di ka ba nagtataka kung bakit kahit celebrity edition, primetime na, richard pa ang host, pero di naachieve ang rating na gustong maabot? You should know the market.
Kahit hirap magenglish si Buhawi, not an issue, at least alam mong nagtry siya, pinoy pa rin ang dating, di ba?
May moment si aki, si john, si solenn.. Did you listen everyword they say? Pag pinoy yun minus the slang, kahit nakapikit ka or busy ka sa ginagawa mo, maiintindihan mo pa rin eh. Bagsak lang ng mga word ng pinoy, alam mo na eh, di ka na kailanga
GALINGAN N'YO NA LANG SA CHALLENGES AT MAKISAMA NG MAAYOS...HEHEHEHE...
She had a different tactic and that is what Survivor is all about. Have your own tactic to survive.
Hence, it is CALLED SURVIVOR!