Shaina Magdayao: "Sa kahit anong anggulo tingnan, I'm still too young to get married."

Mari-An Santos
Tuesday, December 07, 2010 @ 04:24PM  |  289 views


"Sa kahit anong anggulo tingnan, I'm still too young to get married," declares Shaina Magdayao. "Marami pa kong kailangang matutunan sa buhay at maraming marami pa 'kong pagdadaanan."

Photo By: Noel Orsal













Dahil malapit na ang Pasko, naitanong kay Shaina Magdayao kung ano ang mga plano nila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz para sa holidays.

"Sana mabigyan kami ng bakasyon, kasi we're both very, very busy," sagot niya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2010 entry na  Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na 'To) noong nakaraang linggo.

Kasama muli si Shaina sa third and final instllament ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo.


(CLICK HERE to visit PEP's microsite about the 36th Metro Manila Film Festival)

Si Shaina rin ang bida sa ABS-CBN afternoon series na Alyna

Nang tanungin naman kung saan nila plano magbakasyon ni John Lloyd, tumanggi si Shaina na isiwalat ang mga detalye.

Aniya, "Basta siguradong sa Christmas at New Year ay nandito kami kasama ng mga pamilya namin."

TOO YOUNG TO GET MARRIED. May mga nagtanong din kay Shaina kung may plano na silang ikasal ni John Lloyd.

Ngunit ayon sa dalaga, "Matagal pa ako. Marami pa kong gustong gawin sa buhay ko. [Kabilang na ang] more and more projects.

"Sa kahit anong anggulo tignan, I'm still too young to get married.

"Marami pa akong kailangang matutunan sa buhay at maraming marami pa 'kong pagdadaanan," dagdag ng 21-year-old actress.

Mukhang lumipas na nga ang unos ng masasamang intriga tungkol sa kanila ni John Lloyd.

"After ka naman paiyakin ni Lord, bibigyan ka naman Niya ng katakut-takot na blessings. Ito na nga yun.

"Masaya ang aking Pasko. Maayos ang buhay ko, maayos ang pamilya ko, ang love life ko."

GROWING STRONGER AS A COUPLE. Sa kanyang pagbabalik-tanaw, inamin ni Shaina na hindi naging madali ang taon na ito, pero naging daan ang mga pagsubok na ito upang tumibay ang kanyang relasyon kay John Lloyd.

"Kahit gaano ka-negative 'yong mga ibinabato sa amin, nagpapasalamat ako. Kasi kung hindi dahil doon, siguro hindi kami tumibay," ani Shaina.

1  2  Next »

Related Articles

64 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name