Maagang dumating si Zsa Zsa Padilla sa press conference ng Father Jejemon kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites.
Ang Father Jejemon ang official entry ng RVQ Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Bida rito siyempre ang Comedy King na si Dolphy.
(CLICK HERE to visit PEP's microsite about the 36th MMFF)
Hindi kasama sa cast si Zsa Zsa, pero naroon siya sa presscon bilang co-producer ng pelikula.
Bago ang presscon proper ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at at iba pang miyembro ng media na makausap si Zsa Zsa.
FIRST-TIME PRODUCER. Ano ang dahilan at napapayag siyang maging co-producer ng Father Jejemon?
"Siyempre, kung yung partner mo nakikita na kelangan ng tulong, di ba? So, yun," sagot ni Zsa Zsa.
Para sa mga hindi nakakaalam, 20 years nang nagsasama sina Mang Dolphy at Zsa Zsa. Ang RVQ Productions ay ang film company ng Comedy King at ng kanyang pamilya.
Ano ang naging bilin sa kanya ni Mang Dolphy?
"Huwag masyadong mainit ang ulo. Kasi siya, cool na cool," nakangiting sagot ng tinaguriang Divine Diva.
Ayon kay Zsa Zsa, gusto rin niyang subukan mag-produce ng isang indie film.
"Yung maliit lang, para mas manageable," aniya.
Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagiging film producer ni Zsa Zsa dahil sinabi ni Mang Dolphy sa press conference na ipapasa na niya ang pamamahala ng RVQ Productions sa kanyang partner.
THE BAD NEWS. Hindi rin naiwasang itanong kay Zsa Zsa ang tungkol sa panggagahasa diumano sa isang apo ng Comedy King. (CLICK HERE to read related story.)
Kapansin-pansin ang pagbabago ng mukha ni Zsa Zsa nang mapag-usapan ang tungkol dito.
"Matagal din kasi naming hindi nako-contact yung ama noong child. So, it's hard to really talk about it. But it's really very sad," buntong-hininga ni Zsa Zsa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
12 totoysipa
47 na yata si Zsazsa, so hindi naman nakapagtataka kung may mga wrinkles na. At least hindi siya masyuba tulad ng kaibigan niyang nega.
11 ehemm
For her age, she looks youthful. So beautiful and sexy still
10 fukengkeng
9 jjjohn
8 dong1
7 maldita00
6 jjjohn
5 jjjohn
4 ooooopppppsssss
3 netopia1976
2 nov_8
Sana, mas maaga aga mo siyang natry para adjusted ka na ngayon, malakas makawrinkle yan.
Makaya mo ang pressure at stress... Learn hard to deal with it... Never late yet... Listen to Mr. Dolphy advised.. Cool Ka lang...
1 pinay_rn