"Alam ko na kung sino ang type niya. Ganoon na kami ka-open sa isa't isa. Sinasabi niya na ito ang gusto niyang i-date. Ito ang gusto niyang ligawan. Tapos, binibiro niya ako na, 'O, bakit yung mga nali-link sa 'yo, bakit hindi sila ang dumobol? Bakit ako pa rin?' So, parang wala na sa amin yun," says Kris Aquino about her current relationship with husband James Yap (inset).

Photo: Noel Orsal

Kahapon, December 7, ay nag-post ng message sa kanyang Twitter account si Kris Aquino tungkol sa pagpayag ni James Yap na maging "body double" sa isang eksena ng pelikula niya with Diether Ocampo, ang Dalaw.

Ani Kris (published as is): "There's a need for an additional shot for Dalaw. It is Diet's back & my frontal shot. Unfortunately diet is in Australia. I'm expressing my sincere gratitude to james, bimby's dad. He agreed to be the body double for me to embrace. I know, it's a crazy world & film-making is really the most torture. But I guess may napagsamahan kaming okay ni james that's y he said yes to do this for me."

Si James ang hiniwalayang asawa ni Kris at ongoing pa ang annulment case nila.

Sa presscon ng Dalaw kagabi ay tinanong ng press si Kris kung paano niya napapayag si James na mag-body double kay Diether.

"Alam ni James na namuhunan ako dito at alam niya na kung malugi, anak niya ang malulugi," sagot ni Kris.

Bukod sa pagiging lead star ng pelikula, isa rin si Kris na co-producer ng pelikula.

Patuloy ni Kris, "Madali lang, kasi last Sunday [December 5], I was dubbing and when they were watching the final edit, they said na... I can't reveal why, ha, kasi, it's very pivotal sa movie.

"But that additional shot was so required to close the picture properly. 

"Siguro rin kasi, sa sobrang pag-iingat prior to that, because of the MTRCB guidelines, may shot na iniwasan talaga.

"Pero upon viewing the actual film, na-realize, kailangan yun. E, Diet is very fit.

"Noong kinausap ko si James, sinabi ko na, 'I need a favor. Alam ko na Wednesday, rest day ka. Puwede ka bang mahiram sa gabi?'

"Sabi niya, 'Miss mo na ako, 'no?'

"Sabi ko, 'Likod mo lang ang hihingin ko!'" natatawang kuwento pa rin niya.

"Sabi ko, kailangan broad yung shoulder, left arm ang makikita.

"So, kailangan developed ang arm at yung likod, kailangan lean. Alam mo na, nagwo-workout.