Nakiagaw ng eksena sa ginanap na album launch ni Mark Bautista sa Teatrino Greenhills last Monday, December 6, ang nababalitang magkarelasyon na sina Rachelle Ann Go at John Prats.
Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ni Rachelle na "exclusively dating" sila ni John.
Natatawa lang siya dahil tuwing may bago siyang dine-date ay nagiging big deal ito sa media.
Para kay Rachelle, normal lang sa kahit sino ang makipag-date, lalo na kung pareho namang single and available ang dalawang tao.
"Nakakagulat lang kasi na every time I'm going out with somebody, nagiging news siya," sabi ng Party Pilipinas mainstay.
"It's not like I want people to follow who I've been dating, di ba?
"Pero nakakatuwa naman, kasi feeling ko, interested sila kung sino ang bago.
"Gusto nila na updated sila sa kung sino ang nakikipag-date sa akin."
THE BOYS. Dati nang na-link si Rachelle kina Mark Bautista, Erik Santos, Jed Madela, at sa ex-boyfriend niyang Christian Bautista.
Tatlong beses nang naging heartbroken si Rachelle. Una, kay Christian noong 2007, kay Gab Valenciano noong 2009, at kay Kean Cipriano this year.
Si John naman ay na-link na kina Heart Evangelista at Maja Salvador. Nitong taon naman ay nag-break sila ni Shaina Magdayao.
Pero marami ang nakakapansin na tuwing Pasko ay may bagong nali-link kay Rachelle. Ano ang masasabi ng singer dito?
"Pakiramdam ko tuloy, na every Christmas, nagpapalit ako ng partner! In fairness, napapansin ko rin 'yon!" tawa niya.
"Nagkakataon lang siguro na tuwing sasapit ang 'ber' months ay may dumarating na bagong tao sa buhay natin.
"Pinagpapasalamat ko kay Lord 'yon kasi nagkakaroon ako ng inspiration."






dos ako, maka dos ka nga dahil hindi mo alam ang mga show ni rachelle ann, at ikaw ang hindi kilala, bat ka andito sa article nato kung ayaw mo sa kanya...
manood ka na lang sa puso ng pasko artista challenge at party pilipinas para matuwa ka at matangal ang inggit mo sa katawan.
you look good together sana kayo na. maligayang Pasko mga pepsters!