news

Vic Sotto and Senator Bong Revilla welcome "prediction" that their movie will be No. 1 at the MMFF box-office

by Erwin Santiago posted on December 10, 2010  STATS: 19666 Views | 115 Comments

 

Vic Sotto (left) and Senator Bong Revilla team up for the first time in Si Agimat at Si Enteng Kabisote, an entry to the 2010 Metro Manila Film Festival.

Photo By: Noel Orsal

Tila nag-concede na ang ibang bida ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010 na ang maghahari sa takilya ay ang Si Agimat At Si Enteng Kabisote.

Ang nasabing pelikula ang unang pagsasama ng dalawa sa pinakamalaking male stars sa bansa—sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Ayon kasi sa bida ng Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na 'To!) na si Ai-Ai delas Alas, papayag siyang mag-No. 2 lang sa takilya ang pelikula niya kung ang makakatalo sa kanya ay mga "hari"—na ang tinutukoy nga ay sina Vic at Senator Bong. (CLICK HERE to read related story.)

Si Kris Aquino naman, na bida sa horror film na Dalaw, ay No. 3 lang ang tina-target. Alam daw kasi niya na ang mangunguna ay ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, at papangalawa naman ang Ang Tanging Ina Mo Rin. (CLICK HERE to read related story.)

Sa second presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote kaninang hapon, December 10, ay kinuha ng press ang reaksiyon nina Vic at Senator Bong sa mga naging pahayag nina Ai-Ai at Kris—na ang pelikula nila ang tiyak na magna-No. 1 sa takilya ngayong MMFF.

 

"Okay sa amin 'yon. Hindi namin tatanggihan 'yon, anytime!" natatawang sabi ni Vic.

Pero aniya, "Masarap pakinggan, pero numero lang 'yon, e.

"Ang importante, marami manood, maraming masiyahan.

"Alam naman natin na paminsan-minsan lang nangyayari 'to, na nagkakasabay yung mga pelikulang magaganda.

"We're hoping that this would be a record-breaking festival."

Dagdag pa ng comedian, "Maging parte lang kami ni Senator Bong doon, e, malaking tagumpay na 'yon para sa amin."

TWO BIG CHARACTERS IN ONE MOVIE. Dito sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote ay pinagsama nina Vic at Senator Bong ang mga pinasikat nilang characters sa MMFF—si Agimat ni Senator Bong at si Enteng Kabisote ni "Bossing."

Sa pagsasanib-puwersa nilang ito, marami ang interesadong malaman kung paano ang naging exposure ng dalawa sa pelikula.

Napag-usapan ba nila na dapat ay pantay na pantay ang mga eksena at dialogue nila, at walang madedehado, walang magsasapawan?

"Yung tungkol sa role, alam mo, inuna namin yung istorya," sagot ni Vic.

"Ang unang sinolb namin ay kung paano magkikita yung dalawa [sina Enteng Kabisote at Agimat].

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

115 Comments

  • 115  mochodinero

    12/13/2010 | 10:08 AM
    Expect Super Inday to be on top. My forecast, super inday, enteng, and tanging ina.Love from abroad. All my relatives lvoed to see SUper Inday at idolo nila si Marian Rivera.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 114  megaocho

    12/13/2010 | 07:28 AM
    marian kami.super inday will be the no. 1 love, from america.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 113  splinter2009

    12/12/2010 | 07:28 PM
    hoi queen of queens kung ayaw mo kay MARIAN wag ka na lang magcomment, nagpapakatanga ka lang.. napansin ko lang na sa mga comments below the belt ang comments ng mga kapamilya fans, bakit ganun kau?? nagmumukha kau tuloy walang pinag aralan..

    marian ur d best.. we love u
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 112  pinay123

    12/12/2010 | 07:38 AM
    regardless of what movie becomes the no. 1 hit, all the movies still make money during this period. and, that is what's good about this filmfest, on top of entertaining the pinoys.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 111  pinay123

    12/12/2010 | 07:35 AM
    saw the trailer of rosario - this movie looks too good for this filmfest.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 110  megaocho

    12/12/2010 | 06:35 AM
    Super inday will be the no.l 1. Love from USA.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 109  westbourne

    12/12/2010 | 02:02 AM
    speaking of enting b4... siya ang na guguna... pero after one week or 2 week.. humabol ang tangin ina.... at siya ang naging box office..... so baka ito rin ang mag yari uli.... una sa takilya.. pero at the end... tangin ina pa rin ang maguguna sa lahat....

    tangin ina,
    dalaw
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 108  memayz

    12/11/2010 | 11:52 PM
    My prediction

    Super Inday SUPER NO. 1
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 107  SpeedOfLight

    12/11/2010 | 09:47 PM
    109
    lawrenzo
    December 11, 2010
    20:10 PM

    kung majority ng movies na papalayas ay garbage sabi ng iba dito..

    dapat tawagin nalang itong..

    METRO MANILA GARBAGE FILMS FESTIVAL

    lol!

    And the Best Garbage Film Award goes to...
    -
    MTB by starcinema. lol.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 106  aaruzone

    12/11/2010 | 09:02 PM
    wow ang bigat no.1 kagad congrats ......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 105  lawrenzo

    12/11/2010 | 08:10 PM
    kung majority ng movies na papalayas ay garbage sabi ng iba dito..

    dapat tawagin nalang itong..

    METRO MANILA GARBAGE FILMS FESTIVAL

    lol!

    And the Best Garbage Film Award goes to...


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 104  shownie4ever

    12/11/2010 | 08:05 PM
    Sana nga po na ung movie nila Vic at Bong na maging number 1 pagdating ng December 25...

    I watched of Vic's EK movie series since 2004 hanggang sa ngayon na kasama niya si Bong siyempre... Bagay ang kanilang tandemistic bilang mga bida...

    Go na po ako sa kanila!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 103  asal_kalye

    12/11/2010 | 07:41 PM
    mamatay nalang kayo sa inggit kay MR! parang nag iisa lang ata ang taong naninira kay MR ahh???? eneng, tanggapin mo nalang na panahon ni MR ngayon.... suportahan mo nalang idol mo huwag yung maninira ng isang tao!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 102  jakar

    12/11/2010 | 06:20 PM
    si lordamstel at queenofqueens ay iisa....paggamit ng words at paraan ng pagsusulat parehong pareho...sana ibahin man lang...not a fan of MR pero every time open ko pep and read some articles about MR or kasama lang sya sa article na un...lumalabas yang 2 at paulit-ulit ang sinasabi na akala mo nmn ginawan sila ni MR ng kasalanan.
    purihin nlng po ntin ang sarili nting idol at wag ng manira ng iba...nag tatrabaho lng po sila at magpasalamat nlng po tayo ay may mga artistang gaya ni MR na nakakapagpasaya sa mga umiidolo sa kanya.

    OT lng po...magaling ang pagkakaganap ni MR sa jillian...next week si carla nmn....God bless all and advance merry xmas sa ating lahat!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 101  SpeedOfLight

    12/11/2010 | 04:21 PM
    nakakasawa na ang pag PAD ng starcinema.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 100  gorgeous_aleck

    12/11/2010 | 01:42 PM
    naku may nag malaki sa i love u goodbye dito. sa totoo lang, marami akong kaibigan na nadismaya sa movie na yan at kasama ako doon. kapuso ako pero pinanood ko dahil ang director ay kababayan ko dito sa mindanao, c guillen. anywys, nadismaya ako sa acting ni angelica at gabby. i expected too much pa naman. therefore, magaling talaga gumawa ng teaser ang star cinema pero pag pinanuod mo, madidismaya ka. so-so lang at mukhang hindi ginastusan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 99  rhapsody123

    12/11/2010 | 01:31 PM
    My prediction
    1. Agimat
    2. Tanging Ina
    3. Dalaw
    4.Shake rattle and roll
    5. RPG

    Kung nadiyan ako sa Pilipinas, dalawa langang panoorin ko, Rosario at Dalaw. Hindi mahilig ang mga pinoy sa mga quality movies gaya ng Rosario. Tsk ,tsk.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 98  amanda2010

    12/11/2010 | 12:41 PM
    bakit kaya mag ha high blood ako pag makita ko pagmumukha ni bong revilla? hindi naman kaguapohan, hindi rin kapangitan? mabuti na lang katabi si vic sotto hehehe.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 97  diane84

    12/11/2010 | 11:56 AM
    FLOP ITO! SINO mg rereklamo? do you want me to explain?

    ang pelikula msasabing kumita if mrami p rin ntira aftr ibawas mo ang nagastos production cost. more than 70 milion ang ngastos sa AGIMAT?pero mg kano lng kinita? diba 100 plus lng? if ibwas mo ung mga kano lng ntira? eh ang I love u goodbye 100 plus din pero konti lng ang production cost.. nw may reklamo? heheh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 96  jagjof

    12/11/2010 | 11:01 AM
    Magkano na ba ang sine ngayon? Basta naglaan na ako ng budget para sa Super Inday...Siguro mga 20 na kamag-anak at kaibigan ang ililibre ko sa Super Inday...........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About