Teary-eyed si Gretchen Barretto nang rumampa siya sa launching ng bagong perfume ng Bench na ipinangalan sa kanya, ang Greta, sa Activity Center ng TriNoMa Mall, Quezon City, kagabi, December 10.
Pagkatapos ng pagrampa niya at ng iba pang models ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Gretchen. Dito ay tinanong siya kung bakit tila maluha-luha siya habang rumarampa.
Ayon sa aktres, dahil iyon sa mga biyayang natanggap ngayong taon.
"Naiyak ako... I'm really touched because sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, sa career ko, the peace that I have is a really nice Christmas.
"It has been a very good year. This is the best year I've ever had in my whole life!
"So, really, really, thankful."
Dagdag niya, "Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyayang ibinigay Niya sa akin.
"Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na 'eto ang mangyayari sa career ko.
"At siyempre, hindi ito mangyayari kung hindi sa tulong ng ABS-CBN at lahat ng creative team at lahat ng bumuo ng Magkaribal at MMK [Maalaala Mo Kaya]."
Ang Magkaribal ang natapos na teleserye ni Gretchen sa ABS-CBN kasama si Bea Alonzo, samantalang may ginawa naman siyang episode sa MMK na nagpanalo sa kanyang muli sa Star Awards for TV sa kategoryang Best Single Performance by an Actress.
Patuloy ni Gretchen, "Nagpapasalamat ako sa Star Awards, PMPC, sa dalawang Best Actress awards na ibinigay nila sa akin.
"Yung Anak TV Awards, maraming salamat."
Ang tinutukoy ni Gretchen ay ang pagkilala na iginawad sa Magkaribal bilang isa sa Top 20 TV Programs ng Anak TV Seal Awards.
NEW PROJECT. Pagkatapos nito ay nagkuwento na ang aktres tungkol sa bagong teleserye na gagawin niya para sa Kapamilya network.
"Kanina lamang, bago kami lumabas, sinabi sa amin ng ABS-CBN na na-approve na ang aming bagong teleserye, na ginagawa na ang script ngayon.







Naku pwede ba wag ka mag malinis. Isa ka pa. Mas masahol ka pa nga kaysa kay hooney mag comment eh. Sa lahat ng articles lagi kang nega kapag kapuso na yung pinag uusapan. LOL Echoserang frog.
May point si hooney, eh di ba yung mismong mother ni Tony Boy ayaw na ayaw sa kanya. Yung biological parents din niya kaaway niya.
nega mo ha at tinira mo pa ABS eh sila nga itong nag bigay ng break kay Greta .. kung malaos man sya muli eh di na yan kargo ng ABS - mas eveil ka pa tulad ng mga komento mo
PANALO!!! heheheh buti nga sa intrigerong writer na yun!! heheheh
gormiti_2009
December 11, 2010
13:48 PM
between claudine and gretchen, i prefer gretchen, she's more real and human than her sister. claudine is like a different person you see on screen and a much different and dubious person in private.
--------------------------
TRUE!
The Rising star Gretch. 'Ganyan ang Kapamilya, WORLDWIDE'
The Falling star Clau. 'Ganyan ang Kapuso, KAMUNING'
For sure, daming mag-rereact. Masakit ang katotohanan.
Go..go..go..