Boxing champ and Sarangani representative Manny Pacquiao turns 32 on December 17 with a big party in General Santos City. His wife Jinkee says the theme of the party will be the gangster movie The Godfather.

Photo: Melo Balingit

Isang engrandeng selebrasyon ang inihahanda para sa 32nd birthday ng 8-division world champion at Sarangani congressman na si Manny Pacquiao.

Katulad noong mga nakaraang taon, punong-abala sa pagdiriwang ang maybahay ni Pacman na si Jinkee Pacquiao.

Sa taped interview sa kanya ng Startalk kahapon, December 11, sinabi ni Jinkee na mala-The Godfather ang theme ng birthday party ng Pambansang Kamao.

"Parang yung isusuot ng mga bisita, Godfather-look, kasi 'yon ang gusto ni Manny," sabi Jinkee.

Ang The Godfather ay ang Oscar-winning gangster film noong 1972 tungkol sa isang New York mafia family na pinagbidahan nina Al Pacino at Marlon Brando. Nagkaroon ito ng dalawang sequels, noong 1974 at 1990.

Manny's birthday bash will be held at the KCC Convention in General Santos City on December 17.

"Maraming mga imbitado... Si Bob Arum, si Coach [Freddie] Roach baka pumunta, 'tsaka yung mga congressman, and si Miguel Cotto, darating," banggit ni Jinkee.

Ayaw munang i-reveal ni Jinkee ang regalo niya sa mister.

Aniya, "Oo, meron na, inaayos ko pa, babayaran ko pa lang."

JINKEE TO ENTER SHOWBIZ? Sinagot naman ni Jinkee ang lumabas na balitang papasukin na niya ang showbiz. Totoo ba ito?

"Siguro hosting, kasi medyo mahiyain ako. Ayokong mag-acting," sabi niya.

Dagdag ni Jinkee, "Magpapaalam pa ako sa boss ko."

Pero ang "boss" niyang si Manny nga, mukhang tutol sa pagpasok ng kanyang misis sa showbiz.

"Hindi, ayoko siyang pumasok," sabi ng boxing champ.

"Kasi mamaya baka mapabayan yung business namin, mahirap.