Game na game na sinagot ni Kris Aquino ang mga maiintrigang tanong tungkol sa mga lalaking nali-link sa kanya sa unang bahagi ng live interview niya sa The Buzz kahapon, December 12.
Matapos makipaghiwalay si Kris sa asawang si James Yap ay na-link na siya sa ibang lalaki.
Apat na pangalan nga ang lumutang sa interview na 'yon—sina Makati City Mayor Junjun Binay, news anchor Ted Failon, ang kanyang Dalaw leading man na si Diether Ocampo, at ang dati niyang nakarelasyon na si Joey Marquez.
MAYOR JUNJUN BINAY. Unang inusisa ng mga host na sina Toni Gonzaga, KC Concepcion, at Charlene Gonzalez kay Kris ang relasyon nila ngayon ni Mayor Junjun, na na-link sa kanya matapos niyang ihayag ang pakikipaghiwalay kay James.
Naging close ang dalawa dahil sa parehong ospital na-confine at yumao ang ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino (died on August 1, 2009) at ang asawa ni Junjun na si Kennely Ann Lacia (na namatay noong August 11, 2009).
May lumabas pang video noon na nakita silang magkasama sa labas ng Glorietta sa Makati.
Pero ayon kay Kris, matagal na raw silang walang komunikasyon ng alkalde.
"Seriously and honestly, hindi na kami nag-uusap, hindi na kami nagte-text, at hindi na kami nagbi-BBM [Blackberry messaging].
"All forms talaga, isali mo na pati ang Skype at YM [Yahoo messenger], wala talaga," diin ni Kris.
Bakit wala na silang komunikasyon?
"Kasi my case [annulment case with James] is ongoing.
"So, out of propriety, because naka-file ako sa Makati. Ang City Hall and ang Makati Regional Trial Court, iisa ang building.
"So, wala talaga.
"I think, he's very proper and so am I. So, let's stay proper," saad niya.
JOEY MARQUEZ. Muli namang na-link si Kris kay Joey Marquez matapos niyang batiin sa dati niyang programang Pilipinas Win Na Win! ang isang nagngangalang "Joey," na hindi niya sinabi ang apelyido. Kaya nagkaroon ng haka-haka ang mga tao na nagkabalikan na sila ng dating mayor ng Parañaque.






at ang Kuya niya, yeh, pareho sila hahah
Di ba type mo ang mga guys na galing sa political families - hayaan o - available si Freddie Webb for dinner with the family.
Well at least lalawak ang choices mo.
is tarlac ready for governor kris?
bakit ano ba ang kaiinggitan sa isang kris aquino.. having an aquino as a family name.. pwede... being a daughter of ninoy and cory.... pwede.... being rich and famous.... hindi rin! kc sa kabila ng kanyang kasikatan at kayamanan, masaya ba talaga siya sa buhay nya?.. i don't think that she's really happy and in fact she's in emptiness. so... anong kainggit-inggit don?!!
same lang sa anay nga paabangan. pero in her case, siya ang mobayad kay siya ang may datung.
showbizdak
maboang ko sa imong for hire, so moabang sya and vice versa? lol.