Nagsampa ng motion to inhibit ang ABS-CBN ngayong araw, December 13, laban sa judge na dumidinig sa kaso ng network laban sa TV host na si Willie Revillame.
Ito ay para mapabilis umano ang resolusyon sa pagbibigay ng hukuman ng isang temporary restraining order (TRO) na magpapatigil sa paglabas ni Willie sa Willing Willie, ang game and variety show niya sa TV5.
Matatandaang noong October 4 pa isinampa ng ABS-CBN ang petisyon para hainan ng TRO ang Willing Willie.
Ayon sa network, nakapirma pa ang TV host sa kanila ng kontrata hanggang September 2011 kaya't hindi siya dapat gumawa ng programa o lumabas sa ibang network.
Hindi naman naglabas ng desisyon hinggil sa TRO si Judge Luisito Cortez ng QCRTC Branch 84, noong October 8 hearing.
Ayon kay Judge Cortez, sa pagtatapos ng Oktubre pa siya maglalabas ng desisyon.
Dahil dito, nagsampa muli ang ABS-CBN ng petisyon sa QCRTC noong October 15 upang mapabilis ang desisyon ni Judge Cortez.
Ayon sa ABS-CBN, dapat maibaba na ang TRO bago pa maipalabas ang premiere ng Willing Willie noong October 23.
Ngunit nabigo muli ang ABS-CBN na makakuha ng TRO.
Ayon kay Judge Cortez, hindi napatanuyan ng network na may "urgent need" para maglabas ang korte ng desisyon bago ang premiere ng show ni Willie.
Dahil dito ay dumiretso na ang ABS-CBN sa Court of Appeals. Ngunit nabigo pa rin sila rito.
Samantala, mahigit isang buwan nang umeere ang Willing Willie, na napapanood mula Lunes hanggang Sabado ng gabi sa TV5. Noong October 23 ito nag-premiere.
Patuloy rin na nakakapag-show si Willie matapos magpiyansa ng P426 million na surety bond, alinsunod na rin ng isang order mula rin kay Judge Cortez.
MOTION TO INHIBIT. Idinetalye ng ABS-CBN ang laman ng kanilang motion to inhibit sa isang press statement na ipinadala nila sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon.
Ayon sa statement, isa sa mga basehan ng motion ay ang "undisclosed relationship" ni Judge Cortez sa isang opisyal ng TV5. Ito umano ang dahilan ng pagkaka-delay ng TRO.






to the tune of London Bridge
ABS-CBN is falling down...
falling down...falling down..!!!
ang layo ng rank ni Gabby Lopez pang 242 lang siya. Considering marami siya pwesto sa Lopez Group of companies. o baka naman NANDAYA siya ng income tax niya???? Tinalo pa siya ni Marian Rivera????
HIGHEST TAXPAYER for the Year 2009
Rank 1 Willie Revillame 57.25 million
Rank 12 Atty. Felipe Gozon GMA-7 22.19 million
Rank 17 Gilberto Duavit GMA-7 19.77 million
Rank 33 Ray Espinosa TV5 13.99 million
Rank 62 Maria Rivera GMA-7 10.12 million
Rank 242 GABBY LOPEZ ABS-CBN 5.15 million
Mas gigusto pa ng mga tao na manood kay Willie kaysa panoorin ang walang kwentang news program ng ABS. Kaya naman ngayon pa lang abala na ang ABS sa matinding cost cutting. Dahil saan ba naman pupulutin ang isang POOR THIRD TV station na ABS.
While if on the contrary. you're denying it. Heh.
The devilish two sides of your coin. For REAL!
2. Sa mga nais makabanat lang ng comment regarding Loans. TAKE NOTE ,COMMON KNOWLEDGE lang po. The more You have a remarkable credit score, the more you get approved for a higher amount. Meaning, you are capable of earning money to pay it back.
in layman's terms. Pag wala kang kita, wala kang ma-uutang. pauutangin ka ba nila kung wala kang pambayad?
Im business, pina-iikot mo ang pera ng iba. Your income, you invest elsewhere.
Kung ako kay Willie, magreformat sya ng show nya para wag na sya habulin..
ireformat nya ang show gaya ng pagreformat sa AGB.. hahahaha