"Dr. Hayden Kho, Jr. endured a long and harsh winter of persecution, but now finds comfort in the warmth of sweet redemption."
Ito ang mabulaklak na panimula ng statement na ibinahagi ng Kapunan Lotilla Garcia & Castillo Law Firm sa media, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kaugnay sa pagbabasura ng Pasig City Regional Trial Court sa kasong isinampa ng aktres na si Katrina Halili laban kay Hayden Kho.
Ngayong araw, December 14, ibinaba ni Judge Rodolfo R. Bonifacio ng Branch 159 ng Pasig RTC ang desisyon na nag-aabsuwelto kay Hayden sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
"Insufficiency of evidence" ang rason kung bakit idinismis ng korte ang kaso, na nag-ugat sa pagkalat sa publiko ng sex video ni Hayden kasama si Katrina.
BACKGROUND OF THE CASE. May 2009 nang kumalat ang video na nagpapakita sa pagtatalik nila Katrina at Hayden, na kilala ng publiko bilang boyfriend ng sikat na cosmetic surgeon na si Vicki Belo.
Kaagad na lumikha ng ingay ang eskandalo at sinabi ni Katrina na hindi niya alam na may kamera pala na nakatago at nagre-record sa kanilang pagtatalik.
Maging ang Senado ay nakialam sa isyu sa rekomendasyon ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.
Matapos na tawagin ni Senator Bong si Hayden na "pervert of the highest kind" sa kanyang privilege speech sa Senado noong May 18, 2009, ay pinangunahan naman nito ang isang senate hearing na ginanap noong May 28, 2009. (CLICK HERE to read related article.)
Bagamat kalaunan ay humupa rin ang ingay na dulot ng eskandalo ay tuluy-tuloy naman ang pag-usad ng kasong inihain ni Katrina laban kay Hayden sa korte.
Pinagbigyan din ng Professional Regulations Commission (PRC) noong November 20, 2009 ang kahilingan ni Katrina na tanggalan ng lisensiya si Hayden. (CLICK HERE to read related article.)
Isang licensed cosmetic surgeon si Hayden at ikinatwiran ni Katrina na hindi ito dapat hayaan ng ahensiya na ipagpatuloy ang kanyang natapos na propesyon dahil walang pasyente ang maaaring magtiwala dito dahil sa nangyari.
January 5, 2010 naman nang mag-post si Hayden ng P20,000 cash bond sa Pasig City RTC para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso. (CLICK HERE to read related article.)
Si Atty. Lorna Kapunan ang tumatayong abugado ni Hayden sa kaso, samantalang si Atty. Raymund Palad naman ang kay Katrina.
"NOT A VIOLATION OF R.A. 9262." Ayon sa statement na ipinadala ng mga abugado ni Hayden sa PEP ngayong , December 14, via e-mail, ay dalawang criminal acts ang inihain laban sa kanilang kliyente.
"(a) the act of taking a video of the sexual encounter without the knowledge and consent of private complainant, causing psychological and emotional distress on private complainant Halili; and (b) the act of uploading the sex video in the internet, causing mental an/or emotional anguish and humiliation on private complainant Halili."





by the way, this case is not a CRIME its a negligence of both party. if it was kept well none of this case will be out.
nothing_personal
December 16, 2010
22:11 PM then you're practically saying that IT'S OK TO VIDEOTAPE WITHOUT ANY CONSENT AS LONG AS IT'S NOT HIDDEN? I cannot believe this!
-----------------------------------
if you are referring to my comment, better read first the comment that I replied to. obviusly, the issue being raised is just taking video.
ink_01
December 15, 2010
22:43 PM i don't really care kung sino ang tama at mali dito. pero paano na lang yung mga manyakis na magvivideo ng mga inosenteng tao diba, kahit sex vid ito or shower time or any form na makikitaan ang mga kababaihan. para bang pinakita ng justice system natin na as long as nasa unconcealed place ung videocam ay ok na. anu ba yan pilipinas. minsan maganda magset ng example na parusahan ang nagvideo kahit pa hindi siya ang nag upload. good luck talaga sa future ng pinoy. hayss.
-----------------------------------------------------------
hehehehe... bagu maparusahan ang mga nagvivideo, dapat merong batas sa ganyan. dahil kung wala, wala ding maaasunto. at yan dapat ang ginagawa ni bong revilla, hindi 'yong nakisawsaw s'ya sa isyu. my goodness, baka di n'ya alam ang gawain n'ya bilang senador ng bayan? o baka ang alam lang n'ya ay artista s'ya ng bayan...huh
kung babasahin at titignan ninyo ang reaction ni katrina nang lumabas ang careless whisper video sa mga press statements, dun ako nagconclude na alam niya. at dun ko naisip na parang may susunod pa. lo and behold, may sumunod nga at kay bong revilla ko pa nalaman. LOL