Isa sa mga hinintay ng entertainament press sa presscon ng 2010 Metro Manila Film Festival entry na Rosario noong Lunes ng gabi, Disyembre 13, ay si Isabel Oli.
Naging mailap kasi si Isabel mula nang pumutok ang balitang nag-date daw sila ng basketball player na si James Yap. Pero pinabulaanan na ito ni James at sinabing kaibigan niya lang ang Kapuso actress.
Si James ay ang estranged husband ni Kris Aquino.
"I really find it absurd," sabi ni Isabel noong una niyang marinig ang istorya tungkol sa pagkakaugnay nila ni James.
Ayon kay Isabel, nakita raw sila ni James sa isang mall sa Makati.
"Noong una talaga, sobrang natawa na lang ako. Parang hindi yata tama."
Pero nag-usap na raw sila ni James tungkol sa isyung ito.
"Wala din. Siya din, natawa din. Natawa siya kasi alam niyang hindi totoo."
Pero matapos ang isang linggo at hindi pa rin namamatay ang isyu, hindi na natuwa si Isabel.
"Natakot na ako. 'Bakit ganito? Bakit hindi namamatay?'" sabi niya.
Paglilinaw ni Isabel, may ka-date siyang iba nang makita siya with James.
"Yung ka-date ko was there, kasama ko.
"Yung nagsulat lang, e, hindi ko alam ba't hindi niya nakita na may kasama akong guy.
"Si James, may kasama ding friends.
"Sa write-up kasi, parang ang sinabi na kaming dalawa lang.





naku kris.... tikom mo na bibig mo please.
now maputi na ..kaya ka iniwan ni paola at pinalit bobitang dancer..may mali sau..hehe
aba, bakit, pinag-uusapan pa ba yung alleged date nila ni james? ang tagal na kaya nun. napaka-delayed naman mag-react nitong si isabel.
sayang, kala ko magiging sila ni Wesley Gonzales. tsktsk! hehe
PEP, penge JULIELMO article. heehee