Masayang-masaya ang Pagayong taon ni Bb. Pilipinas-Universe at Miss Universe 2010 4th runner-up Maria Venus Raj dahil sa maraming blessings na dumating sa kanya.
Sa kabila ng mga pagsubok, napalitan lahat ito ng magagandang biyaya.
Una na rito ang pagpapatayo niya ng bahay sa hometown niya sa Bato, Camarines Sur.
Binili ni Venus ang bakanteng lote na nasa tabi ng kanilang bahay kubo sa probinsiya at doon siya nagpapatayo ng bahay ngayon.
Ayon kay Venus, "Isa ito sa matagal ko nang ipinagdarasal kay God. Na mabigyan ko ng magandang bahay ang aking ina at mga kapatid.
"Bata pa lang ako, yun na ang pangarap ko at ngayon natupad na. Kaya masayang-masaya ako kasi nga nakikita na namin ang matagal na naming gusto.
"Habang ginagawa nga ang bahay, araw-araw akong nagpapasalamat kay God sa pagtupad niya ng matagal ko nang hiling."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Venus sa thanksgiving/Christmas party ng Mercator Models noong December 15 sa Casa Pura sa Quezon City.
BAHAY KUBO. Ang magandang ginawa ni Venus ay hindi niya ipinagiba ang kanilang bahay kubo na nasa tabi ng binili niyang lote kunsaan tinatayo ang kanilang bagong bahay.
Gusto raw kasi ni Venus na maging reminder ang bahay kubo sa naging simpleng buhay nila noon sa Bato.
"Hindi ko talaga pinatanggal yung bahay kubo namin doon dahil gusto kong nakikita ko pa rin 'yon kapag umuuwi ako doon.
"Doon sa bahay-kubo na 'yon ako nagsimulang mangarap at buuin lahat ng mga pangarap ko sa buhay," pag-alala pa ni Venus.
"'Tsaka siyempre, kapag may isa sa mga kapatid ko ang nakalimot sa dati naming buhay, nandiyan pa rin ang bahay kubo namin para ipaalala sa kanila na kung hindi dahil sa bahay kubo na 'yon ay hindi kami makakaranas na magsumikap at magkaroon ng magandang buhay.
"Every now and then, gusto kong balikan ang dati naming buhay. Hindi ko ikinakahiya 'yon.
"Kung ano ako ngayon, iyon ay dahil sa naging buhay namin noon. Kaya hindi dapat mawala ang bahay kubo dahil diyan lahat nabuo ang mga pangarap ko."






korek ka diyan. di nman yan sa padamihan ng comments. Tsaka ngayon lang ako nakabasa article sa PEP na lahat positive ang comments. Iba ka talaga Venus.
Gets mo LAWRENZO? Ikaw di ko maintindihan kung positive or negative comment mo. Cguro, ikaw rin di mo maintindihan sarili mo. Get a life!
to venus... may u continue to be a blessing to ur family,,, and serve as an inspiration to all sons and daughters to always be loving and respectful to their families,,, in d highest and lowest point of our lives, our family will always be our guide, shelter and comforter...
to venus family... hope U give importance to all her effort and give her back all that love and kindness by not just depending on her... but having to stand on your own even if she's willing to give everything to you... Godbless!
Na-proud naman ako sa mga nagsusulat dito at sana, mabasa ni Venus ang mga ito.
Yehey!
jphilig-The eloquence in ur writing is superb! The style of ur writing is far superior to my own.
God bless you, Venus!
Joke lang po....LOVE KO SI VENUS! No one has a right to hate her kung ganun siya kabait na tao. Godspeed Venus!
may god give u more blessings and u may continue inspiring people