Una nang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa paglipat ng isa sa big stars ng ABS-CBN na si Aga Muhlach sa TV5.
Diumano'y pumirma na raw ng kontrata ang aktor at sa January 2011 na ito magsisimula sa TV5. (CLICK HERE to read related story.)
Kaya naman inusisa ng PEP ang tungkol dito nang makausap namin ang Vice President for Entertainment ng TV5 na si Perci Intalan sa presscon para sa regional expansion ng Kapatid network na ginanap pa sa Lenox Hotel sa Dagupan City, Pangasinan, noong Sabado, December 18.
Kasama rin sa naturang presscon sina TV5 COO Bobby Barrero at Head of Provincial Operations Raul dela Cruz.
Pumirma na ba talaga si Aga ng kontrata sa TV5?
"Masyado pa kasing maaga para pag-usapan 'yang mga ganyan," sabi ni Sir Perci.
"Kung may ia-announce man kami, gusto namin in a big way.
"Kasi pag in-announce namin ng paunti-unti, nawawalan na ng impact, kung may ia-announce kaming malaki," tila bitin na pahayag ni Perci.
Gaano ba katotoo yung mga nababalitang mga artista at TV executives na lilipat daw sa TV5?
"Alam n'yo, pag may naiisyung ganyan na may lilipat na artista para mapag-usapan, at saka may mga executives daw na magta-transfer, I would say na 30 to 40 percent doon totoo.
"The rest, nagugulat lang kami," saad ng network executive.
Ano ang reaksiyon ng TV5 sa bagay na ito na parang nagagamit silang leverage ng ibang artista?
"Kami, we know naman na that's how the business works. Kanya-kanyang side lalo na pag magne-negotiation or something.
"But also sometimes, ito rin ang pinagsisimulan ng intriga. So, sometimes nakita lang, pumunta lang, or nakausap ako o kausap si Nay Cristy [Fermin], o kung sino, ayan na, natsismis na lilipat daw sa TV5.
"Kami as a network, ang stand namin, well, salamat napag-uusapan kami.






baka gusto nyo sabihin HINDI MALAKING KAWALAN!!!
Paano na kaya si unknown artista at wala na si Aga. Wawa naman at pahinga na naman ng matagalan.
Kailangan ng ABS ng mga nametags sa kanyang mga artista. Para naman kapag nakita mo sa TV hindi ang unang tanong DA WHO silang lahat.
1. Meralco - ang laki ng itinaas ng charges
2. PLDT at Smart - lousy pa rin ang services at mataas charges
3. NLEX - nagtaas ng toll fee
4. Maynilad or Manila Water? - tataas din ang singil
5. binibili ang MRT- tataas ang singil sa fare
in short, isang greedy businessman itong si Manny Pangilinan. sa 9years ni Arroyo sa posisyon, naging crony nito sa Pangilinan, ala Cojuangco at Lucio Tan nung panahon ni Marcos at ala- Ayala at Lopez noong panahon ni Cory at Ramos.
Sa TV5, Lovers of Money...