Manny and Pie Calayan don't approve of their niece's lesbian relationship but support her anyway

Alex Datu
Tuesday, December 21, 2010 @ 09:20AM  |  76 views

 

"Hindi namin tinu-tolerate ang relasyon nila ni Selina, although we're not against her but the kind of relationship. Alam naman natin na hindi pa ito tanggap sa ating kultura. But we are always here, in full support sa ano mang gagawin ni Lalen na makapagpapasaya sa kanya," says Dr. Manny Calayan (in photo, with wife Dra. Pie) about the relationship of their niece with singer Selina Sevilla. Lalen and Selina made their wedding vows yesterday.

Photo By: File photo













Nandito muli sa Pilipinas si Dra. Pie Calayan mula sa U.S.

Itinaon niya ang kanyang pagbabalik sa launching ni Valerie Concepcion bilang newest celebrity endorser ng Calayan Surgicenter noong December 15. Ito na rin ang nagsilbing Christmas party ng Calayans para sa entertainment press na ginanap sa Bahia Room ng Hotel Intercontinental sa Makati. 

Ito ang ikalawang pagba-balikbayan ni Dra. Pie mula nang nagdesisyon siyang i-manage ang Calayan Aesthetic Beauty Center sa Beverly Hills, California. 

Ang una ay noong May 2010 elections kung saan sinuportahan nito ang kandidatura ni Doc Manny bilang partylist candidate under AMS Party. 

Dumating si Dra. Pie kasama ni Doc Manny noong December 13 para maramdaman muli ang Paskong Pinoy na nami-miss nito mula nang pinili nitong manirahan sa U.S. 

Ayon kay Dra. Pie, "Masarap manirahan doon, nag-e-enjoy ako sa aking trabaho doon. 

"Nakakatuwa dahil maraming mga kababayan natin ang nagpupunta para magpa-treat. Pero ang higit sa lahat, may mga Kano din kami at ibang lahi. 

"We're doing fine there and soon, we are planning to open another branch, we'll tell you."

HUBERT WEBB. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kinuhang dermatologist ng mga Webb si Dra. Pie para gamutin si Hubert noong kapapasok pa lamang nito sa kulungan dahil nagkaroon ito ng karamdaman sa balat. 

Kuwento ni Dra. Pie, "Kinuha nila ako to treat Hubert na nagkaroon ng skin asthma and this is due sa maruming kapaligiran at hindi masyadong fresh ang air na pumapasok sa kulungan. 

"Hindi naman nagtagal din ang gamutan at nalaman ko na lang na inilipat na siya sa Muntinlupa." 

Nakalaya na si Hubert Webb pagkatapos niyang ma-acquit ng Supreme Court kaugnay ng Vizconde murder case.

INTRIGANG HIWALAY. In a separate interview, ikinuwento naman ni Doc Manny na kung wala siya sa bansa ay tiyak nasa Los Angeles para serbisyuhan ang mga kliyente nila roon. 

Isa pang dahilan ay para dalawin ang kanyang pamilya. Maliban kay Dra. Pie ay doon na rin nag-aaral ang kanilang tatlong anak.

"Our kids are doing pretty well sa kanilang pag-aaral doon. Matataas ang kanilang grado kaya nga very proud kami ni Dra. Pie sa kanilang achievements," banggit ni Doc Manny.

1  2  3  Next »

Related Articles

26 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name