Balik-pelikula na uli ang aktres na si Dina Bonnevie via Who's That Girl? ng Viva Films. Pinagbibidahan ito nina Anne Curtis at Luis Manzano at idinidirehe ni Wenn Deramas.
Ginagampanan dito ni Dina ang papel bilang nanay ni Anne.
Ang iba pang nasa cast ay sina Eugene Domingo, Dino Imperial, at Dennis Padilla. Ang target playdate nito ay last week ng February o March 2011.
Dahil matagal nang hindi siya gumagawa ng pelikula, hindi na matandaan ni Dina kung ano ang huling pelikula niya.
Sa pagkakaalam ng PEP, ang huling pelikula ni Dina ay ang I Will Survive ng Regal Films noong 2004. Nakasama niya rito sina Maricel Soriano, Eric Quizon, at Judy Ann Santos.
DINA'S CHOICE. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dina, sinabi niyang choice niya ang pamamahinga sa pelikula dahil nawalan siya ng gana at naging busy rin siya sa kanyang telecommunications business.
Hindi na rin masyadong pinagtuunan ng pansin ni Dina ang pelikula dahil lumalabas naman siya sa mga TV series na parang pampelikula na rin ang treatment.
Pero aminado si Dina na nami-miss niya ang paggawa ng mga pelikulang gaya ng Tanging Yaman (2000) na idinirehe ni Laurice Guillen.
Mas excited siyang gumawa ng acting projects ngayon dahil sa pagbabago sa kanyang figure. Pumayat na raw siya ng ilang pounds.
Aniya, ang pagtanggap niya ng Who's That Girl? ay "testing the waters" lang muna kung kaya pa niyang gumawa ng pelikula.
LOSING WEIGHT. Napapangiti si Dina kapag napapansin ang laki ng ipinayat niya ngayon. Kaya nga kapag mas pumayat pa siya, posibleng alukin siya uling mag-pose sa isang men's magazine gaya ng ginawa niya sa FHM.
"Dyusko naman, baka sakalin na ako ng mga anak ko niyan! 'Mommy, may apo ka na!'
"Niloloko ko nga si Danica, 'Bakit? Tinatawag nila akong hot mama noon. E, di ngayon, hot lola!'
"Hindi na siguro, nakakahiya na!" sabi ni Dina, na may isang apo na sa panganay na anak na si Danica.
Paano nga kung alukin siya at pilitin na mag-pose uli?






hope ibalik ng viva ung talk show nya dati na quot;Ms. Dquot;. i super love that show.
goodluck and best wishes to oyo and tin!
ultimatejew,si Kristine hindi pa kailanman nabuntis.Di nila anak yun ni Diether pero si Diether may anak na sa ibang babae.2004 pa ibinalita yun nang bininyagan ang bata sa Santuario De San Antonio sa Forbes Park.Mga 6 years old na si Dream.
On Kristine and Oyo's adopted son who is now 2 years old,may alam ako sa identity ng bata but it's not in my authority to divulge it.I think yung mga reporters na lang ang bahalang magtanong niyan kina Oyo at Tin para sila na rin mismo ang sumagot kasi even Bossing Vic and Dina Bonnevie,hindi mo makuhanan ng detailed infos about sa bata.Nababanggit lang pero di detalyado.Sa wedding ni Ciara nandoon ang little boy and I'm sure sa wedding nina Oyo at Tin,present din si Little Boy.
Pero in one interview,parang nagpahaging si Miss D na okey sa kanya na sila pa rin ni Vic ang magkatuluyan in the end.Tingin ko,mahal pa rin nya ang ama ng kanyang mga anak.
Para mo na ring sinabing wla nang choice si Tin. After Diether, kung hindi man niya ginusto si Oyo, I'm pretty sure there will be countless men who would want to marry her na pwede niyang pagpilian. Hindi nman si pokwang yan, na hindi na masyadong habulin. Look at Tin, sinong lalake ang hindi magkakagusto dyan.