Naging emosyunal si Ai-Ai delas Alas nang magbigay-pugay siya sa King of Comedy na si Dolphy at hilingin sa mga tao na huwag nang iboykot ang pelikula nitong Father Jejemon, na isa rin sa mga entry sa ginaganap ngayong 2010 Metro Manila Film Festival.
Ito raw ang isa pang wish ni Ai-Ai bukod sa wish niya na manalo ng Best Actress award sa 2010 Metro Manila Film Festival Awards Night, na eventually natupad nga kagabi, December 26. (CLICK HERE to read related story.)
Ilang oras bago ang awards night ay nabunyag ang mga wish na ito ni Ai-Ai sa kanyang live guesting sa The Buzz kahapon habang kausap ang host na si Boy Abunda at guest host na si Kris Aquino.
Matapos magpasalamat ni Ai-Ai sa mga tao dahil sa malaking kinita ng pelikula niyang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) sa first two days ng MMFF ay inihayag na niya ang kanyang wish para kay Mang Dolphy.
Aniya, "Sana po ay patuloy n'yo pa ring tangkilikin ang Tanging Ina. Pero meron pa rin po akong isang kahilingan sa inyo.
"Ngayon pong Pasko, puwede namang dalawa ang inyong gift. Yung gift n'yo po sa akin sa Tanging Ina, sa Dalaw ni Kris.
"Isa pa rin pong hinihiling ko sa inyo. Kasi po, tutal tapos na naman po yung mga kontrobersiya tungkol sa sensitibong parte sa pelikula ni Tito Dolphy, natanggal na.
"Alam n'yo po kaming mga komedyante, nandito po kami... si Tito Dolphy po muna bago po kami. So, malaki po ang utang na loob namin kay Tito Dolphy, kaming mga komedyante.
"Dahil siya po ang unang-una na nagpauso ng mga comedy. Ni-ready niya po ang mga taong-bayan para sa comedy films ng Metro Manila Filmfest.
"Ngayon po, nakikiusap po ako na sana panoorin po natin ang Father Jejemon," naiiyak na hiling ni Ai Ai.
Ito raw ang isang paraan niya para bigyang-pugay ang Comedy King.
"Ako po, nagbibigay-pugay po ako kay Tito Dolphy dahil gusto ko pong maging masaya siya. Kaya sana manood po kayo ng Father Jejemon."
Matatandaang ilang sektor ang pumuna sa ilang eksena sa pelikula na umano'y pambabastos sa paniniwala sa relihiyong Katoliko. Ito nga ay ang communion scene kung saan nahulog sa dibdib ng isang babae ang banal na ostiya at naipit naman sa pustiso ng isa pa.
May ilang grupo pang nagtawag na iboykot daw ang Father Jejemon.
Bago nga lumala pa ang naturang kontrobersiya ay nag-self regulate na ang produksyon nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla at tinanggal na ang mga naturang eksena. (CLICK HERE to read related story.)






his apology to pnoy is an insult to manny villar. si kris, walang delikadesa, dinaldal pa ang apology sa interview just to drive home the point.
mas makakatulong na kumita ang father jejemon kung ipapakiusap nyo sa abs-cbn na ipalabas ang trailer nito every 10 minutes sa primetime. libre ha walang bayad si mang dolphy.
haha
Kris pa papel ka naman. Alis diyan!
Sayang Rosario at hindi nanalo ng best director and actress who were really both deserving.
However, last year hindi rin kumita ang MMFF entry ni Mang Doplhy, whether may boykot o wala. So huwag isisi sa simbahang Katoliko kung hindi gaanong kumita ang pelikula niya. Siguro hindi lang gusto ng mga manonood ang tema ng movies na nilalabas niya.
Dapat may isa pang pelikulang gawin si Mang Dolphy bago siya tuluyang mag-retire. Yung tipong pag-uusapan at tatangkilikin. and will seal his legacy sa showbiz.
May pelikula sila ni Nino Muhlach noon, 'Ang Tatay Kong Nanay', na talagang tumatak sa isip at damdamin ng mga nakapanood. Sana ganoong quality.