news

Ai-Ai delas Alas and Kris Aquino urge people to watch Dolphy's MMFF movie

by Glen P. Sibonga posted on December 27, 2010  STATS: 51532 Views | 96 Comments

 

"Malaki po ang utang na loob namin kay Tito Dolphy, kaming mga komedyante. Dahil siya po ang unang-una na nagpauso ng mga comedy. Ni-ready niya po ang mga taong-bayan para sa comedy films ng Metro Manila Filmfest. Ngayon po, nakikiusap po ako na sana panoorin po natin ang Father Jejemon," says an emotional Ai-Ai delas Alas (right).

Kris Aquino (left), on the other hand, thanked the Comedy King for apologizing to her brother, President Noynoy Aquino.

Photo By: Noel Orsal

Naging emosyunal si Ai-Ai delas Alas nang magbigay-pugay siya sa King of Comedy na si Dolphy at hilingin sa mga tao na huwag nang iboykot ang pelikula nitong Father Jejemon, na isa rin sa mga entry sa ginaganap ngayong 2010 Metro Manila Film Festival.

Ito raw ang isa pang wish ni Ai-Ai bukod sa wish niya na manalo ng Best Actress award sa 2010 Metro Manila Film Festival Awards Night, na eventually natupad nga kagabi, December 26. (CLICK HERE to read related story.)

Ilang oras bago ang awards night ay nabunyag ang mga wish na ito ni Ai-Ai sa kanyang live guesting sa The Buzz kahapon habang kausap ang host na si Boy Abunda at guest host na si Kris Aquino.

Matapos magpasalamat ni Ai-Ai sa mga tao dahil sa malaking kinita ng pelikula niyang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) sa first two days ng MMFF ay inihayag na niya ang kanyang wish para kay Mang Dolphy.

Aniya, "Sana po ay patuloy n'yo pa ring tangkilikin ang Tanging Ina. Pero meron pa rin po akong isang kahilingan sa inyo.

"Ngayon pong Pasko, puwede namang dalawa ang inyong gift. Yung gift n'yo po sa akin sa Tanging Ina, sa Dalaw ni Kris.

"Isa pa rin pong hinihiling ko sa inyo. Kasi po, tutal tapos na naman po yung mga kontrobersiya tungkol sa sensitibong parte sa pelikula ni Tito Dolphy, natanggal na.

"Alam n'yo po kaming mga komedyante, nandito po kami... si Tito Dolphy po muna bago po kami. So, malaki po ang utang na loob namin kay Tito Dolphy, kaming mga komedyante.

"Dahil siya po ang unang-una na nagpauso ng mga comedy. Ni-ready niya po ang mga taong-bayan para sa comedy films ng Metro Manila Filmfest.

"Ngayon po, nakikiusap po ako na sana panoorin po natin ang Father Jejemon," naiiyak na hiling ni Ai Ai.

Ito raw ang isang paraan niya para bigyang-pugay ang Comedy King.

"Ako po, nagbibigay-pugay po ako kay Tito Dolphy dahil gusto ko pong maging masaya siya. Kaya sana manood po kayo ng Father Jejemon."

Matatandaang ilang sektor ang pumuna sa ilang eksena sa pelikula na umano'y pambabastos sa paniniwala sa relihiyong Katoliko. Ito nga ay ang communion scene kung saan nahulog sa dibdib ng isang babae ang banal na ostiya at naipit naman sa pustiso ng isa pa.

May ilang grupo pang nagtawag na iboykot daw ang Father Jejemon.

Bago nga lumala pa ang naturang kontrobersiya ay nag-self regulate na ang produksyon nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla at tinanggal na ang mga naturang eksena. (CLICK HERE to read related story.)

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

96 Comments

  • 96  liwayway

    01/02/2011 | 03:40 PM
    there is no reason for dolphy to say sorry for exercising his right to endorse and vote for whomever he pleases.

    his apology to pnoy is an insult to manny villar. si kris, walang delikadesa, dinaldal pa ang apology sa interview just to drive home the point.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  izayan7

    12/30/2010 | 09:10 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  lynn_q8

    12/30/2010 | 07:56 PM
    bow ako kay mang pidol..............he will always be the best!!!! kung hindi man naging box office ang Father Jejemon dahil kulang sa ad at commercials....i hope people will stll watch father jejemon....make this old man happy for the last time!!! we all know that he's no longer young, his days is counted....wish father jejemon will reach to the top at the end!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  meldita143

    12/30/2010 | 07:51 PM
    hey guys... pansin nyo si kris aquino before and during election.. she talks with humility and with pa-awa effect. pansinin nyo siya ngayon... sobrang arte, papansin, lagi na lang nakataas ang kilay, kung makatingin para na lang laging sinusukat ang pagkatao ng kausap. Pwede ba napaka-plastik, matapobre and most of all nuknukan ng arte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  bizkid08

    12/30/2010 | 06:13 PM
    Though not very much related to this article, I read from the Inquirer Entertainment that Kris arrived at MMFF with six PSGs as her bodyguards. Is this some kind of great privilege for a Presidential daughter? Perhaps her other sisters enjoy the same privileges. Such a pity to Filipino taxpayers. I thought all along that PNoy is gearing towards DAANG MATUWID but it seems her sister Kris is always heading the DAANG BALUKTOT. According to the article, she even ask the organizers to reserve many seats for her, what a primadona attitude. To Kris Aquino, please stop acting like a spoiled brat sister. You keep on telling to the whole world that you are getting older but what a pity that you are not getting matured. Grow up girl.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  dati_tfc

    12/30/2010 | 05:42 PM
    kris, ai-ai
    mas makakatulong na kumita ang father jejemon kung ipapakiusap nyo sa abs-cbn na ipalabas ang trailer nito every 10 minutes sa primetime. libre ha walang bayad si mang dolphy.

    haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  global2010

    12/30/2010 | 01:25 PM
    tama..isang malaking insulto ito...para na rin nilang sinabing sila lang ang kumita kaya parang awa nyo na panuorin nyo naman yung kay dolphy...grabe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  mariankimfan1

    12/30/2010 | 08:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  rhapsody123

    12/30/2010 | 03:05 AM
    Dolphy has been a consistent box office king in the late 60's 70's and early 80's. Resputahin namna sana siya, kasi ilang beses na niyang pinatawa nag mga tao pati na ssa TV. Yong John and marscha niya, kaligayahan ng mga tao itong panoorin linggo linggo. Ewan ko, siguro hindi na type ng mga tao ngayon ang jokes niya. Gustong gusto ko ang jokes ni Dolphy noon, effortless, natural na natural at orginal. nakakatwa talaga. Hindi ako natatwa kay Ai ai, sorry pero hindi talaga.Corny at hindi orginal, trying hard ang mga jokes niya. Nag taka nga ako kung bakit hit palagi ang tanging ina. nakit ko sa you tube ,hindi ko tinapos , wala talagang it factor na kagaya ng mga comedy films ni Dolphy. Opnion ko lang ito. Sorry Ai ai, madaling makalimutan ang movies mo,pati ikaw, pero hindi si Dolphy. Dolphy is a legend and will be unforgetable.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  remyr12

    12/30/2010 | 12:51 AM
    Not being morbid or being disrespectful to Dolphy and his family, but bakit ba ang mga lumalabas about Dolphy is hinting na parang he is in a very bad condition, health-wise at parang bilang na ang mga araw niya ?? Even blind items, parang siya ang tinutukoy? Even their statements, Dolphy and ZsaZsa, when they talk parang naghahabol sila or trying to finish some I business, whatever it is, making more time, etc. Hope this is not true..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  meldita143

    12/29/2010 | 09:05 PM
    KRIS AQUINO, pambansang papansin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  antonia_jpy

    12/29/2010 | 02:37 PM
    kahit pa may magsabi n iboycott, kung gustong panoorin ng tao wala magagawa ang nagsasabi ng iboycott nag kataon lng talaga n ayaw ng tao panoorin ang pelikulang un.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  justpassingby

    12/29/2010 | 12:42 PM
    kris ai ai ang kakapal ng mukha ninyo kunwari pa kayo alam na alam mo kris na si ai ai ang mananalo kasi tuta mo siya kaya wala kang paki na hindi ka manominate
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  melody2

    12/29/2010 | 12:00 PM

    Kris pa papel ka naman. Alis diyan!

    Sayang Rosario at hindi nanalo ng best director and actress who were really both deserving.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  MutyaCadiz

    12/29/2010 | 09:22 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  MutyaCadiz

    12/29/2010 | 09:18 AM
    Ang daming die hard fans dito. Away2x. tsk...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  spiderwoman

    12/29/2010 | 07:51 AM
    kris and ai-ai - why are you urging people to watch jejemon???? is my money worth watching jejemon.???? bago ako manood ng mmff entry, nag iisip muna ako. Dito sa amin 175.00 ang sine. ilang kilong bigas din yon. practical lang ako. wait na lang ako sa cable.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  totoysipa

    12/29/2010 | 06:50 AM
    Well said, Ai-ai and Kris. Tama si Kris, Mang Dolphy didn't have to say sorry but he did. And yes, maraming hindi marunong magpasalamat pero si mang Dolphy umabot sa ganyang estado dahil marunong siyang magpasalamat at makisama.

    However, last year hindi rin kumita ang MMFF entry ni Mang Doplhy, whether may boykot o wala. So huwag isisi sa simbahang Katoliko kung hindi gaanong kumita ang pelikula niya. Siguro hindi lang gusto ng mga manonood ang tema ng movies na nilalabas niya.

    Dapat may isa pang pelikulang gawin si Mang Dolphy bago siya tuluyang mag-retire. Yung tipong pag-uusapan at tatangkilikin. and will seal his legacy sa showbiz.

    May pelikula sila ni Nino Muhlach noon, 'Ang Tatay Kong Nanay', na talagang tumatak sa isip at damdamin ng mga nakapanood. Sana ganoong quality.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  amanda2010

    12/29/2010 | 06:18 AM
    tapos bakit ba isabi pa ni kris na nag sorry si dolphy kay noynoy? dapat private sana iyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  amanda2010

    12/29/2010 | 06:11 AM
    insulto yata ito ni mang dolphy. para tuloy nagmamakaawa si mang dolphy ng pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About