Guji Lorenzana still courting Kaye Abad: "Alam ko na mas okay ang chance ko sa kanya."

Melba Llanera
Friday, December 31, 2010 @ 07:42PM  |  401 views

 

"Yes, nanliligaw pa rin ako sa kanya and siya pa rin ang pinaka-close ko sa lahat ng tao sa ABS-CBN. She's a probinsyana girl, I'm from States kasi—and mas gusto ko yung ganito. In the first place, hindi naman kami nagmamadali, saka alam naman niyang I really like her," says Guji Lorenzana about Kaye Abad.

Photo By: File photo













Sa kabila ng sweetness at closeness na nakikita kina Guji Lorenzana at Kaye Abad, consistent pa rin ang singer-actor sa pagsasabing wala pa rin silang formal relationship hanggang ngayon ng aktres.

Noong 2009 nang makapareha ni Guji si Kaye sa isang episode ng Precious Hearts Romances ng ABS-CBN. Mula noon ay naging vocal na si Guji tungkol sa espesyal na nararamdaman niya para sa aktres. At hanggang ngayon ay balitang nanliligaw pa rin siya rito.

Sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival noong December 26 sa Meralco Theater ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Guji.

Para kay Guji, mas gusto raw niya ang estado nila ngayon ni Kaye.

"Yes, nanliligaw pa rin ako sa kanya, and siya pa rin ang pinaka-close ko sa lahat ng tao sa ABS-CBN. 

"She's a probinsyana girl, I'm from States kasi—and mas gusto ko yung ganito. In the first place, hindi naman kami nagmamadali, saka alam naman niyang I really like her."

Hindi ba siya nati-threaten sa ibang nagsasabing crush nila si Kaye, lalo't wala naman siyang pinanghahawakan pang relasyon dito?

"Who wouldn't have a crush on Kaye? She's a very beautiful and great person. Pero lahat naman sila, friends ko. There's no competition naman.

"Wala pa kaming relationship, pero she's very picky naman. Alam ko na mas okay ang chance ko sa kanya," sagot ni Guji.

Maganda rin daw ang relasyon ng singer-actor sa pamilya ni Kaye. Last Christmas nga ay nagbigay siya ng regalo sa pamilya ng aktres.

"Nag-exchange ako with my family, nagdala din ako ng gifts sa bahay ni Kaye para sa family niya. I think gusto naman nila ako kasi mabait naman sila sa akin," sabi niya.

KAYE & CHITO. Sa kabila ng panliligaw ni Guji kay Kaye, hindi pa rin mamatay-matay ang balita na tuloy pa rin daw ang relasyon ng aktres sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. 

Bagay na agad namang nilinaw ni Guji, lalo't nakasama na rin pala niya sa ilang lakaran ang singer.

"Friends lang sila, common knowledge na wala na sila," sabi niya.

"Kaibigan ko rin si Chito. I met him many times na rin kasi naggi-gig ako sa isang bar sa Makati, may band din ako. Minsan nagpupunta siya, nagdya-jamming kami.  

1  2  Next »

Related Articles

14 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name