news

Guji Lorenzana still courting Kaye Abad: "Alam ko na mas okay ang chance ko sa kanya."

by Melba Llanera posted on December 31, 2010  STATS: 1626 Views | 14 Comments

 

"Yes, nanliligaw pa rin ako sa kanya and siya pa rin ang pinaka-close ko sa lahat ng tao sa ABS-CBN. She's a probinsyana girl, I'm from States kasi—and mas gusto ko yung ganito. In the first place, hindi naman kami nagmamadali, saka alam naman niyang I really like her," says Guji Lorenzana about Kaye Abad.

Photo By: File photo

Sa kabila ng sweetness at closeness na nakikita kina Guji Lorenzana at Kaye Abad, consistent pa rin ang singer-actor sa pagsasabing wala pa rin silang formal relationship hanggang ngayon ng aktres.

Noong 2009 nang makapareha ni Guji si Kaye sa isang episode ng Precious Hearts Romances ng ABS-CBN. Mula noon ay naging vocal na si Guji tungkol sa espesyal na nararamdaman niya para sa aktres. At hanggang ngayon ay balitang nanliligaw pa rin siya rito.

Sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival noong December 26 sa Meralco Theater ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Guji.

Para kay Guji, mas gusto raw niya ang estado nila ngayon ni Kaye.

"Yes, nanliligaw pa rin ako sa kanya, and siya pa rin ang pinaka-close ko sa lahat ng tao sa ABS-CBN. 

"She's a probinsyana girl, I'm from States kasi—and mas gusto ko yung ganito. In the first place, hindi naman kami nagmamadali, saka alam naman niyang I really like her."

Hindi ba siya nati-threaten sa ibang nagsasabing crush nila si Kaye, lalo't wala naman siyang pinanghahawakan pang relasyon dito?

"Who wouldn't have a crush on Kaye? She's a very beautiful and great person. Pero lahat naman sila, friends ko. There's no competition naman.

"Wala pa kaming relationship, pero she's very picky naman. Alam ko na mas okay ang chance ko sa kanya," sagot ni Guji.

Maganda rin daw ang relasyon ng singer-actor sa pamilya ni Kaye. Last Christmas nga ay nagbigay siya ng regalo sa pamilya ng aktres.

"Nag-exchange ako with my family, nagdala din ako ng gifts sa bahay ni Kaye para sa family niya. I think gusto naman nila ako kasi mabait naman sila sa akin," sabi niya.

KAYE & CHITO. Sa kabila ng panliligaw ni Guji kay Kaye, hindi pa rin mamatay-matay ang balita na tuloy pa rin daw ang relasyon ng aktres sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. 

Bagay na agad namang nilinaw ni Guji, lalo't nakasama na rin pala niya sa ilang lakaran ang singer.

"Friends lang sila, common knowledge na wala na sila," sabi niya.

"Kaibigan ko rin si Chito. I met him many times na rin kasi naggi-gig ako sa isang bar sa Makati, may band din ako. Minsan nagpupunta siya, nagdya-jamming kami.  

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  gorgeous_aleck

    01/04/2011 | 11:50 AM
    agree number 12 wala siyang balak magpakasal kasi fear daw ni chito na mag fail ang marriage nya. paano yun? ang gwapo naman nya kung ganun? helo? kaye, hanap na ng iba. it's not ur loss, ok?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  new_me_2011

    01/03/2011 | 05:06 PM
    KA - go ka na dito..di hamak na may dating kesa kay chito..dapat lang na nakipaghiwalay ka kay chito kasi wala naman patutunguhan un relasyon nyo. sinabi nga ni chito sa isang interview kung may balak xa magpakasal..ang direchong sagot agad eh NO as in No...pogi mo ah..ang lagay eh live in lang? kumusta naman un db...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  global2010

    01/03/2011 | 02:35 PM
    siguro na-trauma lang sa break up nila ni chito si kaye. kasi sobrang tagal na nila tapos nag-split pa rin so this time baka naman talagang gusto nya yung sure na. at least si kaye marunong maghintay at hindi basta-basta bumibigay. dalagang filipina kumbaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  inquisitive

    01/02/2011 | 01:50 PM
    ano pa hinihintay mo Kaye? Guji is so hot!! Gwapo na, mukhang mabait, may breeding at galing pa sa de buena familia go go go!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  winonao1

    01/01/2011 | 04:16 PM
    bagay sila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    01/01/2011 | 06:25 AM
    OMgosh baket hindi ka pa nagugustuhan ni kaye and di hamak guwapo kaysa diyan sa lead singer nang parokya ni edgar. ang tagal naman na ligawan na iyan. baka pag sinagot ka ni kaye ay wala ka nang interes pa sa kanya. lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Ornusa

    01/01/2011 | 12:51 AM
    Mukang mabait si kaye abad, very simple ang beauty hindi nakakaumay. Mas bagay sila ni guji kesa kay chito miranda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • emily081384

    12/31/2010 | 07:35 PM
    wow bagay cla i think may pag asa naman cya kay kaye abad eh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • caroline01

    12/31/2010 | 04:49 PM
    at SatinE0808 - she was born there yes... only born there, came back before she even turned 1 yrs old i think... but from baby til now she grew up in cavite. so she is def probinsyana .... but us citizen
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SatinE0808

    12/31/2010 | 03:27 PM
    is Kaye probinsyana? I thought she was born in US? sa Pennsylvania pa nga e, maybe she's just humble and really down to earth. simple lang even though they own the entire subdivision in Cavite - Abad Homes-

    at ang sexy nya ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • okraka143

    12/31/2010 | 11:55 AM
    KAYJI d best... love them both...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angelforeverako

    12/31/2010 | 11:41 AM
    silang dalwa inaabangan ko dati sa precious heart Kaye and GUji sana kayo na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angelforeverako

    12/31/2010 | 11:40 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • r2kin2

    12/31/2010 | 10:13 AM
    i find him sexy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About