PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alice Dixson makes a comeback via TV5's Babaeng Hampaslupa

Alice temporarily leaves her husband and work in Canada to do TV5's newest soap opera.
by Nerisa Almo
Published Jan 9, 2011
"Hindi naman ako nawawala, e. I'm always accessible naman for films and television. Ito lang talaga ang hindi ko matanggihan. It was such a wonderful, not just offer, but an opportunity also," says Alice Dixson about her decision to return to Philippine television via TV5's Babaeng Hampaslupa.

Isang magandang pagkakataon para sa nagbabalik na aktres na si Alice Dixson ang alok sa kanya ng TV5 na gumanap bilang isa sa lead stars ng bago nitong teleserye, ang Babaeng Hampaslupa.

Halos anim na taon na rin mula nang huli siyang nakita sa telebisyon. Ang mga huling proyekto ni Alice ay ang mga teleserye ng GMA-7 na Ang Iibigin ay Ikaw (2002) at Hanggang Kailan (2004).

Gumanap din siya bilang Ina Magenta sa pelikulang Enteng Kabisote 2 (2005).

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Alice, sa story conference ng Babaeng Hampaslupa na ginanap sa Max's Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City, noong Biyernes, January 7, sinabi niyang gustung-gusto na rin niyang magbalik sa pag-arte.

"It was an opportunity to come back, to do a really big teleserye.

"It was all good timing. Timing lang na I was looking for a project, and Perci Intalan [TV5 head of creative and entertainment] told me that a project is waiting for me if I'm really serious to come back."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ni Alice, na dalawang araw pa lamang mula nang nagbalik sa Pilipinas mula sa Canada, "That's how it all started."

Kaya naman nasasabik na siya para sa kanilang unang taping day, lalo pa't muli niyang makakasama ang kanyang dating direktor na si Joyce Bernal at dating kasamahan sa pelikula na si Eric Quizon, na tatayo rin bilang isa sa mga direktor ng Babaeng Hampaslupa.

"Ang expectation ko is that we're gonna have a lot of fun," sabi ni Alice nang tanungin ng PEP kung ano ang inaasahan niya sa pagsisimula niya sa trabaho.

Dagdag niya, "Well, I think there are more expectations upon me, than me of the show. So, sana po maipakita ko ang expectations ng mga manonood because I really love what I do. I hope maipakita ko 'yon sa pagganap ko dito sa bagong teleserye."

Gagampanan ni Alice sa Babaeng Hampaslupa ang karakter ni Daiana, ang ina ni Alex Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasama rin nina Alice at Alex sa Babaeng Hampaslupa sina Ms. Susan Roces, Bing Loyzaga, Jay Manalo, Freddie Webb, Susan Africa, Karel Marquez, Mart Escudero, at Alwyn Uytingco.

AWAY FROM HUSBAND AND WORK. Bukod sa pagbabalik-showbiz, isa pang dahilan ng kanyang pagtango sa bagong proyekto ng TV5 ay ang kahilingan ng kanyang ina na magbalik sa Pilipinas.

"Plus, naghiling din ang mom ko. Ang mom ko kasi, sabi niya, 'Anak, gusto kong umuwi ng Pilipinas. Kapag nagka-project ka doon, can I come home?'

"Kasi nasa States siya, e. So, I said, 'Mom, I have a project.' She's coming home, and we'll be together again,'" banggit ni Alice.

Kaya naman hindi masyadong alintana ni Alice ang panandaliang pagkahiwalay niya sa kanyang asawa na si Ronnie Miranda para makasama ang kanyang ina.

Hindi naman daw ito problema sa kanyang asawa na nakabase na ngayon sa Canada.

Aniya, "I love my husband and we have a strong relationship. The same thing goes for mahal niya ako kaya pinayagan niya ako to do what I love doing, which is acting.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kahit na magkakalayo kami, he understands 'yong yearning ko and also 'yong family situation ko, na gusto ko ring makasama ang mom ko. She's really in her older years now and I want to spend quality time with her."

Nang tanungin ng PEP kung gaano siya katagal dito sa Pilipinas, sabi ni Alice, "It depends on how long our show is gonna last."

Sabay nagbiro ito na, "Pero nilutuan ko siya ng maraming ulam, nasa freezer. So, kapag na-miss niya ang cooking ko, he can have them!"

Nabanggit din niya na maari pa siya magtagal sa Pilipinas.

"I think as long as people wanna watch me. And may offers na maganda ang role, I'll be here.

"Hindi naman ako nawawala, e. I'm always accessible naman for films and television.

"Ito [Babaeng Hampaslupa] lang talaga ang hindi ko matanggihan. It was such a wonderful, not just offer, but an opportunity also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lisanin ni Alice ang pagiging artista, nagtrabaho siya bilang realtor sa Canada. Hanggang ngayon, ayon kay Alice, patuloy pa rin ang kanyang real-estate business sa Canada at sa United States.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman ako nawawala, e. I'm always accessible naman for films and television. Ito lang talaga ang hindi ko matanggihan. It was such a wonderful, not just offer, but an opportunity also," says Alice Dixson about her decision to return to Philippine television via TV5's Babaeng Hampaslupa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results